^

Punto Mo

SPD ni Gen. Cruz, No. 1 sa kampanya vs droga at krimen!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

PATULOY na nangunguna ang Southern Police District (SPD) sa performance rating sa pakikibaka laban sa ilegal na droga at kriminalidad. Sa record kasi ng Regional Operations and Plans Division (ROPD) ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang SPD ay No. 1 mula Dec. 5, 2017 hanggang Dec. 3, 2018 at mula Jan. 2018 hanggang March 2019. Kaya congratulations kay SPD director Brig. Gen. Eliseo Cruz dahil sa liderato niya tumaas lalo ang morale and welfare ng kanyang mga tauhan at nagtrabaho para makamtan ang accomplishments.

Kung gagawing basehan ang performance ni Cruz, siguro nararapat lang na premyuhan siya ng liderato ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde, ‘di ba mga kosa? Subalit may kumalat na balita nitong nagdaang mga araw na si Cruz ay nagliligpit na dahil mapo-promote siyang hepe ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa Camp Crame. Sayang ang galing ni Cruz dun sa PSPG dahil walang action dun at makukulong lang siya sa aircon na opisina.

Subalit hindi natuloy ang lipat ni Cruz sa PSPG dahil ayaw magpagalaw ang hepe roon na si Brig. Gen. Filmore Escobal, na isa sa ginu-groom na maging PNP chief. Araguuyyy! Kasi nga mga kosa, si Escobal ay nais ipalit bilang hepe ng PRO5 sa Bicol na ang kasalukuyang hepe ay ang nakatatandang kapatid niya na si Brig. Gen. Arnel Escobal.

Ang katwiran ng batang Escobal ng tanggihan ang Bicol region ay parang lumalabas na sinulot niya ang kanyang utol na slated sanang mapunta sa DIPO sa Camp Crame para ma-promote na two-star general. Hak hak hak! Dahil sa desisyon ng batang Escobal, naudlot ang second round na reshuffle sa PNP matapos ang election, di ba Gen. Albayalde Sir?

Sa evaluation rating ng ROPD ng NCRPO, maging noong Abril ay nanguna pa rin ang SPD sa performance vs ilegal na droga at kriminalidad sa rating na 23.467 percent at ang sumunod ay ang Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Brig. Gen. Joselito Esquivel na may rating na 21.453 percent.

Ang pangatlo ay ang Northern Police District (NPD) sa ilalim ni Brig. Gen. Rolando Anduyan na may 19.314 percent rating, 18.414 percent naman ang sa Eastern Police District (EPD) ni Brig. Gen. Cris Tambungan, samantalang ang kulelat ay ang Manila Police District (MPD) ni Brig. Gen. Vic Danao na may 15.965 percent rating. Dati-rati ang MPD at QCPD ang naglalaban sa No 1 sa performance rating vs ilegal na droga at kriminalidad subalit naungusan na sila ng SPD ni Cruz. Araguuyyy! Anyare sa MPD? Hak hak hak! “Done deal” na ang pagka-PNP chief ni Danao subalit sa MPD pa lang hindi niya kayang itulak ang mga tauhan para magtrabaho. Paano kung sa PNP na siya?

Noong Abril, nakaaresto ang SPD ni Gen. Cruz ng 339 drug pushers at 1,815 users at nakakumpiska ng 791.137 gramo ng shabu, 1,593.46 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, isang ecstasy table, 3,26 gramo ng cocaine na ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB) ay may kabuuang halaga na P5,895.423.

Dahil election period ito, nakakumpiska rin ang SPD ng 25 assorted firearms. At para ma-sustain ang kanilang momentum, inutusan ni Cruz ang kanyang pitong station commanders na itaas pa ang antas ng kanilang operations para lalong umangat pa ang kanilang kampanya laban sa droga at kriminalidad. Abangan!

ELISEO CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with