^

Punto Mo

EDITORYAL - Tiyakin na hindi aabusuhin ang ROTC

Pang-masa
EDITORYAL - Tiyakin na hindi aabusuhin ang ROTC

TULOY na ang pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps (ROTC). Inaprubahan na ito ng House of Representatives noong nakaraang linggo. Natupad ang sinabi ni President Duterte noong 2017 na ibabalik ang ROTC. Sinabi ng Presidente na ang pagbabalik sa ROTC ay isang magandang paraan para madisiplina ang mga kabataan at huwag mahikayat na gumamit ng illegal na droga. Nawawala rin daw ang pagmamahal ng kabataan sa bayan kaya dapat itong maibalik.

Sa pagbabalik ng ROTC, isasailalim dito ang mga estudyanteng nasa Grade 11 at 12. Magsisimula na ang ROTC ngayong school year 2019 kaya wala nang makakatutol pa rito. Kahit pa magprotesta ang mga ayaw sa ROTC, wala nang magagawa.

Ngayong isasailalim na sa ROTC ang mga senior high school dapat siguruhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi na ito mababahiran ng corruption. Tiyakin din ng AFP na walang magaganap na hazing at sexual harassment. Ipangako ng AFP na hindi na mauulit ang nangyari noong 2001 kung saan isang ROTC cadet ang pinatay ng mga kasamahan sa UST Corps of Cadet.

Ibinulgar ng kadeteng si Mark Welson Chua ang katiwalian ng mga kapwa cadet officers. Dahil sa pagbubulgar, brutal na pinatay si Chua. Sinakal siya hanggang mamatay. Nilagyan ng masking tape ang kanyang katawan, tinalian ang mga kamay at saka binalot sa carpet at itinapon sa Pasig River. Narekober ang kanyang bangkay makalipas ang ilang araw. Nahuli ang isa mga killer at nahatulan ng bitay subalit may mga nakakalaya pa. Ang pagkakapatay kay Chua ang naging daan para buwagin ang ROTC.

Mula nang mangyari ang karumal-dumal na pagpatay, naging masama na ang imahe ng ROTC at para sa marami, hindi na ito dapat pang ibalik. Hindi lang naman daw sa pamamagitan ng ROTC maipakikita ang pagmamahal sa bayan.

Ngayong ipatutupad na ang ROTC, tiyakin na hindi ito aabusuhin at pagmumulan ng mga malalagim na pangyayari. Huwag dungisan ang bagong bihis na ROTC.

RESERVE OFFICERS TRAINING CORPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with