^

Punto Mo

Mga sukang dapat isuka

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MABUTI at masamang balita ang lumabas kamakailan na pag-aaral ng Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology na nagsasaad na walo sa 10 brand ng mga suka na ibinebenta sa local market sa Pilipinas ay gawa sa synthetic acetic acid na nagdudulot ng iba’t ibang sakit tulad ng kanser.

Mabuti dahil mababalaan ang publiko hinggil sa mga kumakalat na pekeng suka. Makakagawa sila ng kaukulang pag-iingat hangga’t maaari.  At inutos na ng Department of Health sa pamilihan na tanggalin ang mga sukang mapapatunayang gumagamit ng synthetic acetic acid.

Masama dahil hindi isinasapubliko ng PNRI ang pangalan o brand ng mga suka na nagtata­g­lay ng naturang mapanganib na kemikal. Marami ngang netizen ang nainis nang makita nila ang ulat na ito sa Facebook dahil paano nila malalaman kung ano ang ligtas at mapanganib na suka.  Parang mangangapa sila nito sa dilim.

Ayon naman sa PNRI, labag sa batas na isapubliko ang pangalan ng mga brand ng suka na nagtataglay ng naturang kemikal na ginagamit sa paggawa ng synthetic na leather, cement additives, paints, adhesive bukod sa ang synthetic acetic acid ay by-product ng petrolyo. Para umano ligtas  na makonsumo ang suka, dapat itong magmula sa fermentation sa natural na sangkap.

Gayunman, isinumite na naman umano ng PNRI sa Food and Drug administration ang kopya ng resulta ng kanilang pananaliksik.  Makikipag-ugnayan din anila ang FDA sa mga manufacturer at magmomonitor ang ahensiya para mapangalagaan ang mga konsiyumer.

Kaso nga, hindi pinapangalanan ang mga brand ng suka na delikado. Maaaring may tamang rason dito ang mga kinauukulan pero hindi ito makatarungan sa mga konsiyumer at sa mga brand ng suka na ligtas gamitin. Tila aasa  na lang marahil sila sa pagkilos ng gobyerno sa bagay na ito. Habang isinusulat nga ito, pinagpulong ng Department of Agriculture ang ilang mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng DOST, DOH at Department of Trade and Industry para sa validation ng presensiya sa mga pamilihan ng mga pekeng suka.  Iminungkahi rin ng DA ang pagpapalabas ng market advisory at tanggalin sa mga pamilihan ang mga  suka na merong acetic acid.

Ewan lang kung makakapagpanatag sa mga konsyumer ang pahayag ni Eric Domingo, DOH undersecretary at FDA officer-in-charge, na walang epekto sa kalusugan ang synthetic acetic acid kundi sa kalidad lang ng suka. Sana nga lang!

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay i-email sa [email protected])

 

ISUKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with