^

Punto Mo

Goodbye, Alcoreza, ang ‘tigre’ ng Maynila!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG hindi makatulog si Manila Mayor Joseph ‘‘Erap” Estrada sa pagkatalo kay Isko Moreno, ganundin naman ang bagman niya na si Dennis Alcoreza. Si Alcoreza mga kosa ay hepe ng Manila Parking and Traffic Bureau (MPTB) at sa kasamaang palad, isa sa mga sinisisi kung bakit natalo si Erap ay dahil sa panlalamang niya sa mga Manilenyo.

Ang MPTB mga kosa ay sangkot sa towing ng mga sasakyan sa kalsada, at kung anu-anong pang pagkakakitaan kaya nayamot kay Erap ang mga botante. Isama ko na ang hindi nahahakot na basura at iba pang katiwalian na ang bulsa lang ni Alcoreza ang nagtatamasa kaya hayun, sa kangkungan dinampot si Erap.

Maging sa vendors sa Divisoria at sa iba pang panig ng Maynila ay may weekly payola si Alcoreza at alam ‘yan ng anak ng masa na si Jinggoy Estrada dahil minumura niya ang una tuwing magkikita sila.

Ayon kay Jinggoy, si Alcoreza ay isa sa nagpapabaho ng pangalan ni Erap kaya mahigit 100,000 ang lamang ni Isko sa “Ama ng Masa.” Araguuyyyy! Sa pagkatalo ni Erap, epektib din ang black propaganda laban sa kanya tulad ng maysakit siyang Alzheimer at iba pa, ‘di ba mga kosa? Hak Hak hak! Kawawang Erap, hindi niya alam kung anong delubyo ang tumama sa kanya.

Sa pagkatalo ni Erap, tiyak ang unang casualty ay si Alcoreza. Alam kasi ni Isko ang nang­yayari sa MPTB dahil siya ang dating humawak nito noong vice mayor pa siya ni Erap

. Ilang buwan ding hindi sumuweldo ang MPTB, pati street sweepers, at naibigay lang ang pitsa nila nang maramdaman ng kampo ni Erap na hindi na sila iboboto ng mga ito. Hindi lang ‘yan! Mabubuwag na rin ang mini-casino ni Alcoreza sa slaughterhouse sa Vitas, Tondo kung saan malakasan ang sabong, cara y cruz at iba pa, di ba Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, Station 1 commander ng MPD? Hehehe! Hindi ko sinasabi na patong si Magdaluyong sa mini-casino ni Alcoreza ha mga kosa? Kung ipinagyayabang ni Alcoreza na “tigre” s’ya ng Maynila sa panahon ni Erap, sa liderato ni Isko baka maging kuting na lang siya.

Araguuyyy! Noong panahon kasi ni Mayor Alfredo Lim, siya ang tinawag na “Leon” ng Maynila kaya sa pagpalit ni Erap, “tigre” itong si Alcoreza at may katuwiran naman dahil siya ang taga-kolekta ng pitsa para kay Erap, anang mga kausap ko. Hak hak hak! Tapos na ang maliligayang araw ni Alcoreza, na nakikialam din sa pasugalan sa Maynila.

Nangngingitngit si Erap dahil sa mismong barangay niya sa Zone 281 sa Sta. Mesa ay talo s’ya. Paano naman siya mananalo roon e ni hindi nakikita ang kanyang anino sa bahay niya sa Mangga St., kasama ang talunang anak kay aktres Laarni Enriquez na si Jerika. Tungkol naman sa mga survey, ang pinapakita lang kay Erap ng condon sanitaire niya, o clippings ng diyaryo, ay yung lamang s’ya.

Puro pabor kay Erap ang mga balitang isinusubo sa kanya sa clippings kaya hayun hilong-talilong ang pobre at halos di makapaniwala na nilampaso siya ni Isko na dating kaalyado n’ya. Hak hak hak! Makaahon pa kaya si Erap sa delubyong inabot niya sa pulitika? Abangan!

ALCOREZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with