^

Punto Mo

‘Bad girl’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang babaeng high school student na hindi maganda ang reputasyon sa Catholic school na pinapasukan niya. Mara­ming lalaki ang nagkakagusto sa kanya palibhasa ay maganda ang mukha at katawan. Noong early 70’s ay pinagtataasan ng kilay ang pagkakaroon ng boyfriend sa edad na thirteen. At maiimadyin ninyo ang mga titser niyang madre na walang tigil na kahe-Hesusmaryosep na may kasamang sunod-sunod na pagsa-sign of the cross, nang nalaman nilang sumasama na itong makipag-date sa sinehan.   

Minsan ay nagkaroon ng retreat sa kanyang eskuwelahan. May bahagi sa retreat na binibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magsalita at sabihin kung ano ang mga negatibong bagay na gustong baguhin sa sarili towards self acceptance.

Nang ang babaeng ito ang nagsalita ay pigil-hininga ang kanyang mga kaklase. Noong una ay kaswal lang siyang nagsasalita pero nagsimulang gumaralgal ang boses nito nang sabihin niyang:

“Galit na galit ako sa sarili ko!”

Kasunod nito ay malakas na hagulgol ang kanyang pinakawalan. Marami siyang sinabi laban sa kanyang sarili. Sa home economics room sila nagre-retreat at ang mirror na nakasabit sa dingding ay biglang kinuha ng pari na nagsasagawa ng retreat. Iniharap ito sa babaeng estudyante. Ang pari ang nagsalita.

“Titigan mo ang iyong mukha. Alam mo bang may matangos kang ilong?”

Tumango ang estudyante. Ngumiti ang pari at muling nagsalita.

“Napakasuwerte mo at biniyayaan ka ng Diyos ng napakagandang mukha. Aba, magtatampo sa iyo ang Diyos kung kasusuklaman mo ang regalo Niya sa iyo.”

“Bad girl po kasi ako. At iyon po ang paniwala ng marami tungkol sa akin.”

“E, di puro “good deeds” na lang ang gawin mo para “good girl” ka na.”

Iyon ang naging simula. Ngayon ay madre na siya at pinuno ng isang Catholic school sa malayong probinsiya.

REPUTASYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with