Kapag umiral ang tunay na kulay
NOON ay 2005 at araw ng pagbubukas ng Wine Festival sa Bremen City, Germany. May itinayong stage sa gitna ng kalye kung saan isasagawa ang opening ceremony. Ang naatasang mamuno ng programa ay ang Lord Mayor na si Peter Gloystein. Bubuksan niya ang bote ng champagne, isasalin sa baso, tapos itataas niya ang baso at sisigaw ng “cheers”. Ngunit binago niya ang nasa script ng programa. Ewan kung ano ang pumasok sa kukote ni Gloystein. Ibinuhos niya ang laman ng champagne bottle sa ulo ng namataan niyang homeless man na nanonoood ng seremonya sa gilid ng stage. Sabay sabi habang nakangisi: “Narito ang alak para sa iyo, inumin mo”.
Gumuhit ang galit sa mukha ng nabiglang homeless man. Ang mga taong nanonood sa programa ay shocked sa nasaksihan. Natahimik ang lahat. Maluha-luhang nagsalita ang lalaking binuhusan sa ulo na napag-alamang si Mr Oelschläger: Sino ka para gawin mo sa akin ang kabastusang ito? Astang lalapitan sana ni Mr Oelschläger si Gloystein pero mabilis na pinalibutan ito ng bodyguards.
Nakita at nadama ni Gloystein ang galit sa mukha ng mga taong nakapaligid sa stage. Bigla itong bumawi. Nilapitan ni Gloystein ang lalaki at humingi ng paumanhin. Iniabot niya ang business card at inalok ng pera. Kasamang inalok din ang kanyang Montblanc pen na nagkakahalaga ng 150 Euro. Nagpaliwanag ito na nagbibiro lang daw siya.
“Matapos mo akong hiyain at pinagmukhang tanga, aalukin mo ako ngayon ng pera? Kahit ako ay mahirap, walang presyo ang aking dignidad, kagalang-galang na mayor.”
Tila nahihiyang nagpaliwanag ang mayor sa mga tao na nakatingin ng masama sa kanya. Gustong magpalusot: Isusubo ko sana sa kanya ang bote ng alak pero gumalaw ang kanyang mukha kaya napabuhos ito sa kanyang ulo.
Lingid sa kanyang kaalaman, isang photographer ng diyaryo ang maagap na nakuhanan ang pangyayari kaya kinabukasan ay nakabandera ang mga litrato, frame by frame shots ng insidente. Nagbunga ito ng panawagang magbitiw siya sa lahat ng government position na hinahawakan niya simula pa noong 2004: the Lord Mayor and Senator for Economics and Harbours; at Senator for Culture in the Free Hanseatic City of . Noong May 2005 ay napilitan siyang magbitiw sa tungkulin. Ipinahamak siya ng kanyang kabastusan.
- Latest