Botohan na, magkakaalaman na!
Ito na ang araw na pinakahihintay.
Dito na totoong magkakaalaman kung sino ang pinakinggan ng mga botante.
Ilang paalala lang ngayon ang ibibigay ng Responde sa araw ng botohan.
Kung maaari ay maagang magtungo sa mga polling precinct para kung magkaroon ng aberya o problema sa inyong mga pangalan sa listahan, may panahon pa para ito mahanap at hindi naghahabol sa oras.
Dapat alam na ninyo ang pangalan ng inyong mga iboboto kung maaari ay may nakahanda na kayong listahan para mas maging magaan at mapabilis ang proseso ng inyong pagboto.
Kung magkaroon ng aberya, ‘wag agad iinit ang ulo, masosolusyunan yan sa mapayapang paraan.
Dapat sundin ang mga tuntunin sa loob ng polling precincts.
Kung matapos nang bumoto mas makabubuting magsiuwi na lamang kundi di rin lang naman kayo mga watcher ng mga kandidato.
Iwasan din ang kantiyawan habang bumoboto, laging isipin isang araw lang ang botohan at kung may mangyaring hindi inaasahan dahil sa kawalan ng kapayapaan eh, baka matagal itong pagsisihan.
Paalala rin bawal na ang kampanya sa paligid ng polling precinct. Dapat hindi na pasaway.
Hindi rin dapat masayang ang inyong boto kaya sundin ang mga panuntunan at ingatan ang inyong balota ‘wag bumilog nang sobra sobra dahil baka masayang at hindi mabilang ng makina
Sana ay matapos ang halalan sa mapayapang paraan hanggang sa gagawing bilangan.
Wala nang masasaktan o magbubuwis pa nang buhay.
Good luck sa lahat!
- Latest