^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbabawal sa provincial buses sa EDSA, pag-aralan muna

Pang-masa
EDITORYAL - Pagbabawal sa provincial buses sa EDSA, pag-aralan muna

SINUSPENDE ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dry run sa pagbabawal na dumaan sa EDSA ang mga provincial buses. Nag­simula ang dry run noong Abril 22, kung saan hindi na makakapasok sa EDSA ang mga bus na galing Southern at Northern Luzon. Sa halip, ang mga galing South Luzon ay tutuloy sa mga terminal sa Sta. Rosa, Laguna at sa Parañaque Integrated Terminal Exhange samantalang ang galing North Luzon ay sa terminal sa Malinta, Valenzuela City.

Layunin ng MMDA na mapaluwag ang trapiko sa EDSA kaya ibinawal ang pagdaan ng mga provincial buses. Karamihan ng buses ay naka-terminal sa Cu­bao at kahabaan ng EDSA. Sumisikip ang trapiko dahil nagbababa at nagsasakay sila. Problema rin ang kanilang pagpasok at paglabas sa kani-kanilang terminal na nagiging dahilan nang pagkabuhul-buhol ng trapiko lalo na kung rush hour.

Ang pagsuspende sa dry run ay kasunod naman ng petisyon ng Ako Bicol Party-list sa Supreme Court na kanselahin ang pagpapatupad ng pagbabawal ng provincial buses dahil masyadong kawawa ang mga pasaherong galing sa probinsiya. Kailangan pa ng mga ito na bumaba sa mga itinalagang bus terminal at saka sasakay muli para makarating sa kanilang destinasyon. Katwiran pa ng mga nagpetisyon, dag­dag gastos at sayang din ang oras ng commuters sa paghihintay sa mga terminal.

Maganda ang layunin ng MMDA sa pagbabawal sa mga provincial buses sapagkat maaaring lumuwag ang EDSA. Pero dapat pag-aralan munang mabuti ang hakbang sapagkat kawawa rin naman ang mga maaapektuhang mamamayan. Dagdag gastos at pa­god ito sa mga kawawang commuters.

Hindi rin ideyal ang mga ginawang terminal sapag­kat masyadong malayo. Halimbawa sa Sta. Rosa, ma­syadong malayo para sa isang nakatira na nasa Cubao o Fairview area. Malayo rin ang Valenzuela sa isang nakatira naman sa Crossing o kaya’y sa Ortigas area.

Kailangang pag-aralan muna ang panukalang ito. Pagbuhusan muna nang mahabang panahon at saka ipatupad kapag plantsado na.

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PROVINCIAL BUSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with