Babae sa Alaska, nanalo nang mahigit $300,000 nang mahulaan ang pagbibitak ng nagyelong ilog
ISANG babae sa Alaska ang nanalo ng $311,652 (katumbas ng P16.1 milyon) nang mahulaan niya ang mismong petsa kung kailan magbibitak ang nagyelong tubig ng Tanana River sa Nenana, Alaska.
Hindi lang niya nahulaan na Abril 14 magbibitak ang yelo sa ilog, nahulaan din ng taga-Anchorage na si Patricia Andrew pati ang eksaktong oras kung kailan lulubog sa bitak ng yelo ang batayang tripod -- 12:21 a.m.
Ayon sa mga namamahala sa taunang contest, tanging si Andrew pa lamang ang magawang makahula sa mismong oras kung kailan magbibitak ang nagyelong tubig ng ilog.
Kaya naman ngayon pa lang ang taon na iisa lamang ang panalo sa patimpalak dahil kadalasan ay may nananalo para sa paghula sa eksaktong araw ng pagbitak ng yelo at meron din isa pang nanalo para sa paghula sa eksaktong oras ng nasabing pangyayari.
Kung walang makahula sa eksaktong oras ng paglubog ng tripod ay panalo sana ang sinumang may hulang oras na pinakalamalapit.
- Latest