^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailangan, trained rescuersat mahuhusay na equipment

Pang-masa
EDITORYAL - Kailangan, trained rescuersat mahuhusay na equipment

IPINAGPAPATULOY pa ng rescuers na masaliksik ang kaloob-looban ng gumuhong Chuzon Supemarket sa Porac, Pampanga makaraan ang pagtama ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes. Lima ang naitalang patay sa gumuhong Chuzon at anim naman ang nakaligtas. May report na meron pa raw nawawala at pinaniniwalaang nasa ilalim pa ng mga guho.

Ang problema, walang gaanong equipment ang mga rescuer para ganap na mahanap ang kinaroroonan ng mga natabunan. Walang mahuhusay o makabagong kagamitan para ganap na matunton ang eksaktong lugar na kinaroroonan. Kaya bago pa mara-ting ng rescuers ang kinaroroonan ng biktima, patay na ang mga ito dahil sa suffocation at ang iba ay dahil sa gutom. Hindi sila namatay dahil nabagsakan kundi matagal silang hindi nakuha sa kinaroroonang guho.

Patunay dito ang ikinuwento ng bagger na nailigtas sa gumuhong supermarket. Labing-anim na oras siyang nasa pagitan ng mga pader bago nasaklolohan. Wala umanong mahusay na equipment para maiangat ang nakadagan sa kanyang konkreto.

Ayon sa lalaking bagger, naipit siya sa mga bumagsak na pader. Nakapaligid sa kanya ang pader. Nakakalakad-lakad naman daw siya sa pagitan ng mga pader. Pero ang problema ay madilim at kinakapos siya ng hininga. Nauubusan na raw siya ng hangin.

Para makahinga, gumawa siya ng maliit na butas para may daanan ng hangin. Halos 16 na oras siyang nasa ilalim ng guho at para maka-survive, ininom niya ang sariling pawis na piniga sa mula sa suot na t-shirt. Kahit sumisigaw daw siya ay walang makari­nig sa kanya. Hanggang makakita siya ng kapirasong yero at iyon ang kanyang pinukpok para marinig ng rescuers. At nailigtas siya sa guho.

Ayon sa Phivolcs, ang tumama sa Luzon at Metro Manila ay hindi pa ang tinatawag na “The Big One”. Nararapat umanong maghanda ang mamamayan at ganundin ang pamahalaan. Mag-invest sa mga gagamiting equipment para mailigtas ang mga naguhuan. Kailangan din ang mga trained rescuers sa pagkakataong ito.

EQUIPMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with