^

Punto Mo

Ningas kugon hindi mawala!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung todo ang mga polisiyang ipinatutupad para maibsan ang trapik sa kahabaan ng EDSA, mistulang napapabayaan naman at tila nanamlay ang isinasagawang paglilinis sa mga traffic obstruction sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Kung noon, halos hindi talaga tinatantanan ng mga tauhan ng MMDA ang mga sagabal sa daan, ngayon parang muling namamayagpag.

Nalipat na  kasi bilang EDSA traffic czar si Bong Nebrija  na dati eh halos araw-araw ang isinasagawang operasyon kaya hindi nakaporma ang maraming  illegal vendors at mga pasaway sa illegal parking.

Hindi yata nararamdaman kung sino ang pumalit sa kanya sa dating pwesto.

Si Nebrija ramdam mo ang pagtatrabaho.

Noon walang araw na tumigil sa operasyon ang MMDA kaya nga kahit papano maraming mga pangunahing lansangan lalo na sa mga  itinuturing na Mabuhay lane, aba talaga namang nalinis sa mga sagabal.

Kahit pag-alis nila eh bumabalik, binabalikan din uli  ng MMDA.

Kakaiba ngayon, ang mga sagabal lalung nadagdagan, kasi nga nanamlay ang operasyon ng MMDA.

Hindi lang sa mga pangunahing lansangan ramdam ang illegal parking at iba pang obstruction maging sa mga secondary road.

Meron pa nga sinamantala yata ang init ng gaganaping eleksyon , ang kalsada na alam nilang hindi sila sisitahin  nagtayo pa ng kung anu- ano.

Tulad sa Sampaloc sa Maynila ang kalsada tinayuan ng basketball court . May mga tapat ng simbahan tinayuan ng tolda.

Malalakas pa ang loob na isinasara o hinaharangan ang kalsada para di makapasok ang mga sasakyan at hindi sila maabala.

Ang mga opisyal sa barangay ang kadalasang nangungunsinti sa mga ito.

Dapat ding matutukan ng DILG ang mga barangay officials minsan sila ang pasaway.

Nananaig pa rin ang ‘ningas kugon’ sa ilang opisyal na masugasug lang sa simula . Ito ang dahilan kaya hindi tumitino ang trapik sa Metro Manila sa dami ng mga pasaway na dapat matutukan.

NINGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with