^

Punto Mo

2 surrogate mothers inangklahan sa NAIA T3

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HINARANG ng mga tauhan ng BI - Travel Control Enforcement Unit sa NAIA ang dalawang Filipina na magtatrabaho sa China bilang ‘surrogate mothers’ doon dahil sa malaking salaping kapalit ng kanilang serbisyo.

Hindi na natin papangalanan ang dalawang bebot para protektahan ang kahihiyang maaring idulot ng kanilang pagiging ‘surrogate mothers’ pasakay sana sila ng eriokabi bg Cebu Pacific ng maharang sila ng BI - TCEU group ng hindi sila mapalagay sa ginawa nilang pagpila sa departure immigration counter ng NAIA Terminal 3. 

Sabi ni Erwin Ortanez, hepe ng BI- NAIA TCEU, umamin sa kanya ang mga bebot na P300,000 ang bayad sa kanila para magpabuntis at ang magiging anak nila ay ibibigay nila sa kanilang kliente na nagbayad sa kanila ng malaking halaga.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ang surrogacy arrangement ay ginagawa sa mga hirap nang manganak na ina at iyong mga delikadong manganak kaya naman gumagawa ng paraan ang mag-asawa na maghanap ng papayag magpabuntis at pagkatapos ay ibibigay ang anak nito sa kanilang kakontrata.

Sabi nga, sa tamang halaga ! 

Ikinuento ni Ortanez, na umamin sa kanya ang dalawang bebot na sila ay nagkaroon ng interest na maging surrogate mothers dahil na rin sa kahirapan ng buhay sa Philippines my Philippines at nakita rin nila ito sa pamamagitan ng ‘website’ na nag-eengganyo ng mga babaeng gustong magkaroon ng anak sa ibang tao at pagkatapos ay ibigay na lamang ang anak nito sa nagbayad ng malaking halaga.

Ang dalawang bebot ay dating mga OFWs sa magkakahiwalay na lugar abroad at ang mga ito ay mga hiwalay sa kani-kanilang mga asawa.

Ang isa sa mga bebot ay tatlo ang anak samantala ang isa ay apat naman.

Sabi ni Ortanez, ang dalawang bebot ay isinalin nila sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa masusing imbestigasyon.

May gumaya kaya sa dalawang bebot para maging surrogate mothers? Abangan.

• • • • • •

 5 mahahapding sugat dinaranas ng madlang Pinoy ngayon

Binigyan natin ng espasyo ang Gabriela para iparating nila sa gobierno ang dinaranas na hinanaing ng madlang pinoy sa Philippines my Philippines.

Entoto basahin - Tulad ng Limang Banal na sugat na tinamo ni Kristo, ang mga Pilipino rin ngayon ay may limang panguna-hing pasakit. 

Unang-una na riyan ay ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka na pinapalala ng mga polisiyang pumapatay sa kanilang kabuhayan. Ikalawa ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, sunod ay ang mahal at palpak na serbisyo sa tubig, mahal na singil sa kuryente sa kabila ng mga brownout. Ikaapat ay ang mababang pasahod sa mga manggagawa at ang malawakang kontraktwalisasyon. At ang pinakamalaking sugat ng madlang pinoy ay ang mismong pamumuno ng macho-pasistang si Duterte na instigador at tulak ng mga malawakang patayan sa ating bayan,” paliwanag ni Joms Salvador, Secretary General ng GABRIELA.

Mula sa paggunita ng pagpapahirap kay Kristo ibinalangkas ang taun-taong Kalbaryo ng Mamamayan, na nagsasalarawan ng pinapasang pasakit ng mga Pilipino sa araw-araw

Kaisa ang GABRIELA sa masang anakpawis sa paglulunsad ng programang ito, bitbit ang mga panawagan para sa pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, singil sa kuryente at tubig, maayos at libreng serbisyo publiko, pagpapataas ng sahod, at iba pa. Kasabay nito ang pagkundena sa panunupil at pasismo ng gobyerno ni Duterte.

SURROGATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with