Babae sa New York, gumawa ng terno mula sa 300 plastic bags
TALAGANG sineryoso ng isang babae sa New York ang pagre-recycle matapos siyang makalikha ng isang pares ng terno mula sa 300 plastic grocery bags.
Ginugol ng 75-anyos na si Rosa Ferrigno mula Greece, New York ang nakaraang taglamig sa pamamagitan ng pagtatahi ng skirt at jacket mula sa retaso ng mga kulay brown na plastic bag.
Hindi mo mahahalatang gawa sa plastic bag ang tinahi ni Ferrigno at aakalain mong gawa sa bulak ang kanyang nilikhang terno.
Ayon sa kanyang anak na si Fran Bertalli, bata pa lamang ay mahilig nang manahi ang kanyang ina na taga-Sicily.
Pumasok sa isip ni Ferrigno na gumawa ng damit mula sa mga plastic bag nang makakita siya ng dalawang pitaka na nilikha rin mula sa parehong recyclable na materyales.
Sa kabila ng kanyang nakakabilib na likha ay libangan lang daw ang lahat para kay Ferrigno.
- Latest