Mga sikreto ni Prince Philip
SI Prince Philip the Duke of Edinburg, ang laging nakaalalay sa kanyang asawang si Queen Elizabeth sa loob ng 70 years. Opisyal na idineklara ng palasyo na ang 96 years old na Duke of Edinburg ay nagretiro na sa kanyang royal duties.
Noong ikinasal sila ni Queen Elizabeth noong 1947, hindi siya gusto ng British people para sa kanilang reyna. Sa kabila ng kanyang royal heritage (siya ay Greek Prince), marami ang nagtaas ng kilay nang ipakilala siya na magiging asawa ng reyna dahil sa madilim na nakaraan ng kanyang pamilya.
1. Anak siya nina Princess Alice of Battenberg at Prince Andrew of Greece and Denmark. Kapatid ng kanyang ama ang King of Greece. Pagsapit niya ng isang taong gulang, natanggal sa trono ang kanyang tiyuhin kaya pinalayas ang buo nilang angkan sa palasyo. Sa sobrang pagmamadali ay isinakay na lang siya sa tiklis/kaing.
2. Marami sa royals noon ay walang apelyido. Sa boarding school, tinatawag na lang siyang Philip of Greece kaya binu-bully siya. Naging British citizen siya bago ikasal kay Queen Elizabeth. Para magkaroon ng apelyido, kinuha niya ang apelyido ng kanyang maternal uncle, Dickie Mountbatten.
3. Iniwan silang mag-ina ng kanyang ama upang sumama sa kabit nito.
4. Ang kanyang ina ay apo ni Queen Victoria kaya distant cousin sila ni Queen Elizabeth. Ang kanyang ina ay napakaganda ngunit bingi. Lihim ang pagkabingi nito dahil magaling itong mag-lip read sa iba’t ibang wika.
5. Noong 9 na taong gulang siya, nagkaroon ng sakit sa pag-iisip ang kanyang ina at na-confine sa mental institution. Noong 1967 lang ito nakalabas sa institution at itinira sa Buckingham palace hanggang sa ito ay pumanaw. (Itutuloy)
- Latest