^

Punto Mo

Mga hindi mo alam tungkol kay Melania Trump

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Si Melania ang 2nd foreign-born first lady. Ipinanganak siya sa Slovenia. Ang una ay si Louisa Adams na ipinanganak sa England, misis ni John Quincy Adams.

Pinakaunang first lady na nagmula sa Communist country.

Pinakaunang first lady na 3rd wife lang ng Presidente.

Pinakaunang first lady na hindi English ang first language.

Pinakaunang first lady na nag-pose nang hubad sa French men’s monthly magazine noong 1990s.

Siya ang first Catholic na nanirahan sa White House pagkatapos ng mga Kennedy noong early 60s.

Bagama’t nagmula sa communist country, siya at ang kapatid niya ay lihim na pinabinyagan noong bata pa sa Catholic church. Naranasan niyang mag-first communion noong bata pa.

Noong bumisita sila sa Vatican, siya ay nagpa-bless ng rosary kay Pope Francis. Si Donald ay Presbyterian. Ikinasal sila sa Episcopak Church.

Pinakasalan siya ni Donald noong 2005 at naging US citizen lamang noong 2006.

Nag-aaral siya noon ng design and architecture sa kanilang bayan pero hindi niya natapos dahil nag-concentrate siya sa pagiging print model.

Para i-level up ang kanyang pagiging local model sa pagiging International model, pinalitan niya ang kanyang pangalan para maging tunog German. Mula sa Melania Knavs, naging Melania Knauss.

Modeling ang nagbitbit sa kanya sa Milan, Paris at saka New York.

Bukod sa Slovenian, nakakapagsalita rin siya ng French, Serbian, German, Italian, at English.

Isang beses lang nabisita ni Donald ang Slovenia kung saan naroon ang mga magulang at kapatid ni Melania at tumagal lang ito ng 3 oras.

Sa kabuuang 450 guests sa kasal nina Donald at Melania, tatlong Slovenian lang ang imbitado—ang ama, ina at sister ni Melania. Hindi sila marunong mag-English, si Donald naman ay hindi marunong mag-Slovenian, kaya bihira silang mag-usap.

 (Itutuloy)

vuukle comment

MELANIA TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with