^

Punto Mo

P200,000 na Rolex, nawala sa NAIA?

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAGING leksyon sana ito sa lahat ng mga pasahero, lalo na kapag may dalang mamahaling gamit. Siguraduhin n’yong nakadeklara ang laman ng inyong bagahe.

Para oras na may nakawan o nawala, may habol kayong nabiktima. Suntok sa buwan ang makipaglaban nang hindi dokumentado ang inyong mga kargamento.

Tulad na lang nito… P200,000 halaga ng mga alahas, nawala sa NAIA. Pahirapan ang paghingi ng danyos sa Philippine Airlines dahil walang maipakitang dokumento ang mag-asawa.

Noong nakaraang2018 umuwi ang isang OFW dala ang mga mamaha­ling pasalubong. Unang pagkakamali niya, hindi dineklara sa pinanggalingang airport na may dala siyang alahas.

Pangalawa, ang mga mamahaling bagay tulad ng alahas, dapat ay hand carry. Kung ganyan ang dala-dala mo, hindi birong halaga ito.

Hindi inalagaan ang gamit kaya nagkaproblema. Sakit tuloy ngayon ng ulo nila.

Bakit hindi niya hawak-hawak sa eroplano? Hindi dapat mawawala sa paningin niya ang mga ganyang kahalagang gamit. Mabuti pa sana’y sinuot niya na lang.

Pinakamalala, wala silang maipakitang papel na nagpapatotoong may alahas talaga. Kahit ‘yung resibo man lang nung dalawang Rolex.

Ang lumalabas tuloy, modus at gawa-gawa lang itong reklamo. Mahirap ipaglaban ang kanilang kaso dahil wala silang katibayan. Kahit simpleng picture na lang ng Rolex, wala.

Duda rin ako dahil maraming malabo sa kanilang reklamo. Ngayon lang ako nakarinig ng Rolex Watch na nagkakahalagang P200,000… tapos dalawa pa.

Ang mga ganitong luxury watch, P300,000 pataas ang presyo bawat isa. Baka Rolex lang ‘yun sa bangketa o sa Lazada.

Kinausap namin ang pamunuan ng Philippine Airlines kung anong solusyon nila rito. Handa silang makipag-settle at magbigay ng $500 + P15,000.

‘Di tinatanggap ng nagrereklamo dahil kulang na kulang daw ito. Malayo sa P200,000 na kanilang pinaglalaban. Sa huli, natauhan at pumayag din na sa areglo… wala naman silang choice.

Isang brutal na leksiyon sa kanila ang nangyaring ito. Mga boss, sana natuto rin kayo nang ‘di na masundan ang ganitong kaso.

ROLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with