^

Punto Mo

EDITORYAL - Over spending na ang mga kandidato

Pang-masa
EDITORYAL - Over spending na ang mga kandidato

GALIT ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidatong hindi sumusunod sa pag­lalagay ng tamang campaign posters. Maraming kandidato na bukod sa ikinakabit sa hindi designated na lugar ang posters at streamers, ubod pa nang laki ang mga ito na taliwas sa isinasaad ng Omnibus Election Code. Ayon sa Comelec, mahaharap sa diskuwalipikasyon ang mga kandidato kapag hindi sumunod. Pinababaklas ng Comelec sa mga kandidato ang illegal posters, streamers at tarpaulin.

Nakapagtataka lang na tila ang illegal campaign materials na lang yata ang pagtutuunan ng pansin ng Comelec? Hindi ba nila haharapin ang mga kandidato na sobra-sobra na ang nagagastos bago pa man nagsimula ang election campaign noong Pebrero 12? Bulag ang Comelec at hindi na nakikita ang malaking paglabag na ito ng mga kandidato.

Sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), sobra-sobra na ang advertising expenses ng senatorial candidates bago pa man nagsimula ang kampanya.

Sa data na nakalap ng PCIJ, 18 sa 61 na kandidato para sa pagka-senador ang nakagastos na ng combined P2.4 billion sa print, radio, TV at iba pang outdoor advertisements mula Enero 2018 hanggang Enero 2019.

Nangunguna umano sa may pinakamalaking gastos si Christopher “Bong” Go na nakagastos na ng P422.5 million. Si Go ay may net worth na P12.8 milyon batay sa kanyang 2017 statement of assets and liabilities and net worth (SALN).

Pumapangalawa naman si Imee Marcos na nakagastos na ng P413.2 milyon. Ang 2017 SALN ni Marcos ay P24.5 milyon lamang at may cash on hand na P2.5 milyon.

Sumunod na malaki na ang nagastos ay si Harry Roque na umabot na sa P174 million. Ang net worth ni Roque ay P98.97 milyon. Gayunman, umatras na si Roque sa kandidatura bago pa ang kampanya.

Ano ang gagawin ng Comelec sa mga kandidatong malalaki na ang nagagastos? Mahaharap kaya ang mga ito sa disqualification? O panakot lamang ito ng Comelec? Ang nakapangangamba ay kapag pinalad na manalo ang mga malalaki ang nagastos. Posible na bawiin ito kapag nakaluklok na. Kawawa ang taumbayan!

CAMPAIGN POSTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with