^

Punto Mo

Sampolan ang mga ‘pasaway’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May 34 na raw na senatorial candidate ang binigyan ng ultimatum ng Comelec, kaugnay sa mga illegal posters o campaign materials na pinagkakabit sa kung saan-saan.

Hanggang ngayon ang itinakdang araw ng Comelec na dapat daw eh, kusa nang alisin ng mga kandidato o ng kanilang mga supporters ang mga illegal poster.

Kahit pa sabihin ng mga kandidato na wala silang alam doon at mga taga-suporta nila ang nagkabit, iisipin ng Comelec na ang mga kandidato pa rin ang naglagay nito.

Hindi nga ba’t una nang nagbabala ang Komisyon na posibleng maharap sa disqualification ang mga kandidatong maglalagay ng mga campaign materials sa hindi awtorisadong lugar.

May ilang kilala at mga nakaposisyong opisyal ang kabilang sa 34 sinasabing naging ‘pasa­way’ na binigyang ultimatum ng Comelec.

Ang problema naman dito, baka naman kasi hanggang sa ngayon eh, hindi pa rin naman nagtatalaga ng mga common poster area ang Comelec sa iba’t ibang lugar, eh umpisa na ang kampanya, kaya kung saan-saan na lang nalalagay ang mga campaign materials ng mga kandidato.

Dapat ngayon, tukoy na o nakapagtalaga na ng lugar ang Komisyon para mapaglagyan ng posters at banners ng mga kandidato.

Sana nga ay magkaroon ng kamay ng bakal ang Comelec, ipatupad ang dapat na ipatupad, walang sasantuhin.

Kung may mga batas at patakaran, mahigpit na ipatupad kahit sino pa ang tamaan.

Maluwag kasi minsan kaya naaabuso ng ilan at iyon na ang nagiging gawi tuwing sasapit ang halalan.

Kailangan sigurong may masampolan, para magtanda!

COMELEC

ILLEGAL POSTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with