^

Punto Mo

EDITORYAL - Paninigarilyo sa publiko daming lumalabag

Pang-masa
EDITORYAL - Paninigarilyo sa publiko daming lumalabag

WALANG epekto ang Executive Order No. 26 na nilagdaan ni President Duterte na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga publikong lugar sa buong bansa. Marami pa ring naninigarilyo kung saan-saan. May naninigarilyo sa bus, tanggapan ng barangay, malapit sa school at ospital at iba pang pampublikong lugar. Walang nanghuhuli sa kanila. Yung ibang tao na nakaaalam na bawal manigarilyo sa public places, hindi naman makapagreklamo o makapagsumbong dahil natatakot. Kaya itong kautusan ni Pres. Rodrigo Duterte na nagbabawal sa paninigarilyo ay maaaring mauwi sa wala kung hindi kikilos ang DOH at mga lokal na pinuno ng pamahalaan.

Sa unang araw lamang nang pagpapatupad ng batas nagpakitang gilas ang awtoridad. May mga hinuling naninigarilyo sa bus at maging sa hintayan ng sasakyan. Maski ang mga nagtitinda ng sigarilyo ay hinuli rin. Kinumpiska ang mga sigarilyo ng vendor.

Ayon sa DOH, ang mahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar ay magmumulta ng P500 hanggang P1,000. Ang mga may-ari ng establishment o gusali kung saan may nahuling naninigarilyo ay mananagot din. Mas malaki ang multa na aabot sa P5,000 at maaari siyang makulong.

Sa ilalim ng EO 26, sa designated smoking areas lamang makakapanigarilyo. Sakop din ng kautusan ang pagbabawal sa mga menor-de-edad na manigarilyo at magtinda ng sigarilyo.

Pangunahing dahilan kaya ibinawal ang paninigarilyo ay upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Napatunayan na ang second hand smoke ay mas matindi ang epekto sa mga nakala-langhap nito. Ayon sa World Health Organization (WHO), limang milyong tao ang namamatay taun-taon. Ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer, lung disease at chronic obstruction pulmonary disease (COPD).

Maging seryoso sana ang local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

PANINIGARILYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with