^

Punto Mo

Congrats, General Danao!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS kay newly-promoted Chief Supt. Vicente Danao Jr., ang director ng Manila Police District (MPD). Sa pagka-promote niya sa pagka-heneral, nakaisang hakbang na pataas si Danao sa ambition niya na maging hepe ng Philippine National Police (PNP).

Tinanggap ni Danao ang kanyang estrelya noong donning of the ranks sa Star Lounge sa main headquarters ng PNP sa Camp Crame noong Biyernes. Noong bagong upo bilang MPD director si Danao, kumalat din ang balita sa Camp Crame na magiging hepe siya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buwan na ito. Puwede, di ba mga kosa?

Kasi nga kung merong SAP Bong Go, meron ding Bong Ga sa katauhan ng isang lady police official na malapit kay Presidente, kung police matters ang pag-uusapan, si Danao ang kinukonsulta ni President Digong, di ba PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde Sir? Naging biktima ka rin ba ng «we bulong» Gen. Albayalde Sir? Potaahhh!

Kaya hindi imposible na maging NCRPO chief itong si Danao at maaring makuha niya ito dahil magkaroon ng balasahan sa PNP bago ang midterm election, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kaya lang saan nila iakyat si NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar eh sa Nobyembre pa magreretiro si Albayalde? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Sa pagka-heneral ni Danao, manunumbalik tiyak ang sigla ng MPD sa pakikibaka sa kriminal at drug syndicates. Sinasabi kasi ng mga kosa ko sa MPD na hindi muna pinagalaw ni Danao ang kanyang mga tauhan laban sa kung anu-anong kriminalidad at droga dahil sa pangambang baka ma-”wow mali” sila at mabulilyaso ang promotion niya.

Kaya makikita n’yo naman sa accomplishments ng MPD na puro smoking in public place, illegal gambling, at kung anu-ano pang city ordinances ang pinapatulan nila para lang may laman ang viber nila, di ba mga kosa? Subalit mababago ito dahil sa wala nang balakid sa pagkilos nila laban sa kriminalidad at droga dahil na-promote na ang amo nila, di ba Station 1 chief Supt. Rey Magdaluyo Sir?

Kung noon, pitsa-pitsa ang lakad ng mga opisyales ng MPD, sa ngayon puro trabaho naman ang aatupagin nila para wala nang hadlang sa pagiging NCRPO chief ni Danao. Tiyak ‘yun! Kapag nagtrabaho ang taga-MPD, manunumbalik na rin ang sigla ng labanan nila ng Quezon City Police District (QCPD) ni Chief Supt. Joyet Esquivel sa accomplishments, di ba mga kosa?

Medyo naiwan kasi sa ere ang MPD nitong hindi pa na-promote si Danao kasi sa alam n’yo nang dahilan mga kosa. Kaya ang payo ko sa mga kosa ko sa MPD Press Corps, aba magbantay kayong maigi dahil pati kayo ay magiging busy na din sa pagka-promote ni Danao. Get’s n’yo mga kosa ko diyan sa MPDPC? Hak hak hak! «Bring it on» Gen. Danao Sir! Potaahhh! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Tumpak!

Congrats din pala kay DZBB reporter Carlo Mateo sa pagkahirang niya bilang MPDPC president sa ginanap na halalan noong Biyernes. Tinalo ni Mateo ang our very own na si Ludy Bermudo sa botong 28-25. Mabuhay ang MPDPC! Abangan.

VICENTE DANAO JR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with