Baka ‘di mo pa alam
(Part II)
… ang kakaibang bagay tungkol sa pagluluto
Iwasang lutuin sa microwave oven ang instant noodles na nasa styrofoam cup dahil kapag nainitan ang styrofoam, ito ay naglalabas ng chemical na hindi dapat humahalo sa pagkain. Tanggalin ang noodles sa cup at ilipat sa container na nakalaan para sa microwave cooking.
Ang chopstick ay inimbento para gamitin sa pagluluto at hindi pansubo sa bibig.
Mas magiging extra sweet ang nilagang kamote kung ang temperature ng tubig na pagpapakuluan nito ay nasa pagitan ng 135 and 170°F (57 and 77°C). Sa nasabing temperature gumagalaw ang mga enzymes kaya ang starch ay nagiging Maltese na matamis.
Hindi nagmula sa Mongolia ang recipe ng Mongolian barbecue kundi sa isang restaurant sa Taiwan na ang pangalan ay kinuha kay Genghis Khan.
May cooking term na “engastration”. Ito ay teknik kung saan ang malaking carcass ng meat ay palalamanan ng mas maliit na carcass. Ang pinausong luto noong Middle Ages: ang chicken meat ay ipapalaman sa tiyan ng pato at saka ipapalaman sa tiyan ng turkey. Kagaya ng nauuso ngayon sa atin, na ang lechon baboy ay may lamang lechon manok.
- Latest