^

Punto Mo

NAIA-TCEU

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

IKINATUWA ni Grifton Medina, hepe ng Bureau of Immigration port operations division, ang sunud-sunod na huli ng mga pakawala ng sindikato ng pamemeke ng iba’t ibang klase ng mga passports.

‘Ang akala nila makakalusot sila sa mga tauhan ng BI- TCEU na parang mga buwitre kung magbantay sa kanila,’ birada ni Medina.

Two days ago, isang Chinese at Columbian nationals ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration Travel Control and Enforcement Unit (BI-TCEU) sa NAIA- T3, dahil sa pag-iingat ng mga pekeng passports na ipinakita ng dalawa sa immigration officer para mabigyan ng departure exit clearance at makasakay ng eroplano paalis ng Philippines my Philippines..

Ibinida ni Glen Comia, NAIA T3 BI-TCEU terminal head kay Erwin Ortanez, hepe ng BI-TCEU, kinilala nila ang Chinese national  na si Han Yujia, 36-years old, na aalis sana papuntang  Bangkok, gamit ang counterfeit Guatemalen passport. Samantalang si Juan Arturo Carbajo, isang Columbian national ay papuntang Macau at nagpakita ng pekeng Argentinian passport.

Sa ginawang imbestigasyon ni Comia sa dalawang ito, umamin si Han na siya ay isang Chinese national sabay kuha sa maleta niya ng kanyang itinagong Chinese passport.

Samantala, umamin si Carbajo, na binili niya ang pekeng Argentinian passport ng 300 US dollars sa passports syndicate sa Lima, Peru.

Gayuman, sinabi ni  Medina, na pinakulong ni Commissioner Jaime Morente ang dalawa sa BI detention cell sa Bicutan, Taguig.

Sabi nga, belat !

Ang ibig mong sabihin talagang hindi makakalusot ang iba’t-ibang sindikato sa NAIA.

Siempre hanggang andyan ang grupo ng TCEU sa NAziA.

Abangan

GRIFTON MEDINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with