^

Punto Mo

Nakakaaliw na trivia tungkol sa alak

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part II)

Ang tawag sa amoy ng young wine ay “aroma”. Samantalang ang tawag sa amoy ng mature wine ay “bouquet”.

Pula ang red wine dahil ang katas ng balat ng ubas ay kasama sa fermentation. White wine dahil hindi kasama ang balat sa fermentation.

Sa Biblical Old Testament, sa Book of Jonah lang walang binanggit na vine or wine.

Dumarami ang scientific evidence na ang katamtaman at regular na pag-inom ng alak ay nakakabawas ng tsansang magkasakit sa puso, Alzheimer’s disease, stroke at gum disease.

Mas maraming lasenggo sa California, New York at Florida.

Bakit kailangang paikutin ang wine sa baso kapag nagwa-wine tasting? Upang mapalabas ang aroma nito.

Ang alak na ilalagay ay dapat hanggang one-third ng baso para kapag pinaikot ang wine, hindi ito matatapon.

Hindi nagiging maganda ang lasa ng alak kapag ang ubas na ginamit ay pinitas sa panahon ng tag-ulan.

Mas malamig dapat ang serving temperature ng white wine kaysa red wine.

Base sa Italian study, ang babaeng kumukonsumo ng 2 basong alak kada araw ay mas magana sa pakikipagtalik kasya babaeng hindi umiinom.

AROMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with