‘Weird’ World Records
Ang dating Presidente ng Liberia na si Charles King ang may hawak ng “Guinness World record for the most fraudulent election”. Nangyari ito noong 1927 Presidential election kung saan nakakuha siya ng 234,000 votes pero ang actual number ng mga botante sa buong bansa ay 15,000 lang.
May bumagsak na eroplano sa Empire State Building noong 1945. Ang isa sa tinamaan ng eroplano ay mga cable ng elevator. Samantala, noong oras na bumagsak ang eroplano sa building ay nakasakay si Betty Lou Oliver sa elevator. Bumagsak ang elevator sa 70 stories pero nanatiling buhay si Betty. Siya ang humawak ng “world record for the longest survived elevator fall”.
Sinubukan ng Iran na pumasok sa Guinness book of world records kaya’t gumawa sila ng sana’y pinakamahabang sandwich sa buong mundo: tinapay na may habang 1,500 meters; nakapaloob ang palaman na 700kg na ostrich meat at 700kg na chicken.
Idinispley nila ang sandwich sa isang park sa Tehran. Kaya lang, habang sinusukat ang sandwich, nagkagulo na ang mga taong nanonood at sa loob ng isang minuto ay naubos na ang sandwich na hindi pa opisyal na naiiprisinta sa Guinness Book of World Records representatives.
Walang makuhang sapatos na komportable sa kanyang paa ang Ethiopian Olympic runner na si Abebe Bikila kaya’t tumakbo siyang nakayapak noong 1960 sa Olympic Marathon sa Rome. Nakuha niya ang gold medal.
Hindi ang The Simpsons ang longest running cartoon series of all time. Ang may hawak ng Guinness World Record for the longest running animated television series ay ang Sazae-san, mayroon itong 7000 episodes, na ipinalalabas sa telebisyon simula 1969 sa Japan.
- Latest