Sa Egypt, noong unang panahon…
(Part II)
Sa mga pelikula, inilalarawan ang mga Pharaoh na matangkad at slim ang pangangatawan. Ngunit sa katotohanan ang miyembro ng mga may dugong bughaw ay matataba at mahihina ang katawan dahil ang pangkaraniwang diet nila ay beer, karne, alak, tinapay at honey. Base sa eksaminasyong ginawa sa mga mummies, ang Egyptian rulers ay overweight at may diabetes.
Mas naaalaala si Cleopatra bilang magandang babae ngunit hindi alam ng marami na nag-aral siya ng math, philosophy, astronomy at nakakapagsalita ng 12 lengguwahe.
Ang pang-araw araw nating kagamitan kagaya ng papel, susi at kandado ay inimbento sa ancient Egypt.
Ang mummification ay hindi pinauso ng Egyptians kundi ng South Americans. Mga 2,000 taon nang ginagawa ang mummification sa South America bago ito natutuhan ng mga Egyptians.
Sagrado ang buhok ng Pharaoh kaya hindi dapat ito ipinakikita. Tinatakpan ang kanilang buhok ng korona o headdress na kung tawagin ay “nemes”.
Kapag namatay ang Pharaoh, kasama rin inililibing ang kanilang alipin upang may katulong pa rin sila sa kabilang buhay. Nang magtagal, gumagawa na lang ng manikin na kamukha ng alipin at iyon ang isinasama sa libingan.
Sa loob ng 4,000 taon, ang Great Pyramid of Giza ang kinilalang ang Earth’s Tallest Manmade Structure.
Mga sinaunang Egyptians ang nag-imbento ng toothpaste na gawa sa paminta or cayenne pepper, irish flower at asin.
Ang unang fly swatter ng mga sinaunang Egyptians ay gawa sa buntot ng giraffe.
Ang sinaunang Egyptian na si Imhotep ang kinikilalang first physician, first engineer at first architech. Tinatawag siyang polymath o taong taglay ang maraming kaalaman.
- Latest