Barya na isinukli sa school canteen noon, nagkakahalaga na ngayon ng $1.7 milyon!
ISANG pambihirang barya na isinukli ng isang school canteen sa Massachusetts ang ipinapasubasta na ngayon at ang final na presyo ay $1.7 milyon (o P88.8 milyon).
Ayon sa Heritage Auctions ay taong 1943 pa nang ginawa ang barya, at isa ito sa 20 nilikhang gamit ang bronze matapos magkaubusan ng bakal dahil sa World War II.
Napasakamay ng noo’y 16-year-old coin collector na si Don Lutes, Jr. ang barya nang isukli sa kanya ito ng canteen sa kanyang eskuwelahan noong 1947.
Sa sobrang pambihira ng barya ay sinasabing kahit si Henry Ford ay nag-alok ng isang kotse sa sinumang makakapagbigay sa kanya ng isa sa mga baryang gawa sa bronze.
Ipina-kumpirma ni Lutes na authentic nga ang barya sa isang eksperto noong 1958 at hindi na niya ito pinakawalan hanggang sa siya’y namatay ng Setyembre noong isang taon.
Ibinigay ng pamilya ni Lutes ang barya sa Heritage Auctions upang ibenta ito.
- Latest