^

Punto Mo

10 international food etiquette rules

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Thailand

Maling pag-uugali kung gagamitin ang tinidor para ipangsubo ng pagkain lalo na kung ang kinakain ay kanin at ulam. Ang tinidor ay ginagamit na pantulak ng pagkain sa kutsara.

Sa northern at northeastern Thailand, may pagkaing nangangailangan ng paggamit ng kamay. Ang senyales na kailangan mong magkamay ay kung ang isinilbing kanin ay kaning malagkit (glutinous rice). Kung Pad Thai, may gumagamit ng kutsara’t tinidor o chopstick.

Middle East, India, ibang parte ng Africa

Hindi nila ginagamit ang kaliwang kamay sa paghawak ng pagkain dahil itinuturing itong “marumi”.  Kanan din ang dapat gamitin sa pagtanggap ng mahahalagang dokumento. Paano kung kaliwete talaga? Ang gagamitin lang ay kaliwa. At huwag kailanman gagamitin ang kanyang kanan.

Georgia USA

Sa mahalagang pagtitipon, ang alak ay dapat na inumin nang straight. Kabastusan maituturing kung sisimsimin o sisipsipin nang dahan-dahan ang alak.

Mexico

Katangahan at kabastusan na kainin ang tacos ng fork and knife. Dapat na kainin ito nang nakakamay.

Italy

Pangkaraniwang almusal nila ay cappuccino lang o may kapartner na croissant. Walang Italian na umoorder ng cappuccino sa bandang hapon or hapunan, kung may umorder, ito ay siguradong turista. Ang kapeng inoorder sa hapon hanggang gabi ay espresso or strong black coffee.

(Itutuloy)

SENYALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with