^

Punto Mo

Bagong taon, sinalubong ng ‘happy new year 2018’ na typo sa Sydney

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PANSAMANTALANG nalito ang mga sumalubong sa New Year sa Sydney Harbour Bridge nang bumulaga sa kanila ang isang “typo” sa gitna ng mga putukan.

Sa halip kasi na 2019 ay “HAPPY NEW YEAR 2018” ang lumitaw na bati sa isa sa mga dambuhalang haligi ng Sydney Harbour Bridge.

Agad namang kumalat ang litrato ng typographical error sa social media matapos itong kuhanan at i-share ng mga mismong nakakita sa maling taon.

Ayon sa executive producer ng mga paputok na si Anna McInerney ay tinawanan na lang daw nilang mga organizers ang malaking pagkakamali dahil tanggap naman nilang sadyang nangyayari ang mga ganoong bagay kahit inabot ng 15 buwan ang kanilang mga ginawang paghahan­da para sa pagsalubong sa bagong taon.

Bagama’t hindi sila natutuwa sa nangyari ay wala naman daw silang magagawa kundi mag-move on na lang at paghandaan ang selebras­yon para sa susunod na taon.

SYDNEY HARBOUR BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with