^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag tumira sa gilid ng bundok

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag tumira sa gilid ng bundok

KAILAN matututo? Lagi nang ipinaaalala sa mamamayan na huwag manirahan sa mga lugar na posibleng maguho ang lupa dahil sa pag-ulan. Marami nang nangyaring trahedya na naguhuan ng lupa at mga bato mula sa bundok. Pero ang paalala ay binabalewala ng mamamayan. Patuloy pa rin silang naninirahan sa mga delikadong lugar.

Umabot na sa 75 ang namatay dahil sa Bagyong Usman at maaari pang madagdagan sapagkat patuloy pa ang ginagawang retrieval operations sa mga naguhuang bahay sa Bicol Region. Nagguho ang lupa dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Usman.

Pinaka-grabeng tinamaan ng bagyo ang Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte. Sa mga lugar na ito nagkaroon nang grabeng pagguho ng lupa. Pinakagrabeng landslides ay nangyari sa Bgy. Patitinan, Sagnay, Camarines Sur kung saan 24 ang namatay makaraang matabunan ng lupa at bato ang kanilang mga bahay. Pawang nasa gilid umano ng bundok ang mga bahay ng biktima. Nahirapang makapasok ang rescuers dahil matarik ang lugar. Maski ang mga makinaryang panghukay ng lupa ay nahirapang madala roon, ayon sa report. Nakalulunos ang pag-iiyakan ng mga kamag-anak ng biktima sapagkat mayroon pang hindi nakikitang miyembro ng pamilya.

Kailan matututo ang mga tao? Taun-taon may mga landslides na nagaganap pero patuloy pa ring naninirahan sa mga delikadong lugar ang mga tao. Ayaw makinig sa payo, na huwag manirahan sa mga lugar na posibleng magka-landslides.

Sariwa pa sa alaala ang pagkamatay ng 70 katao sa Naga City, Cebu noong nakaraang Setyembre 25, 2018 dahil sa pagguho ng bundok. Tinabunan ang mga kabahayan na nasa paanan nito. Bukod sa lupa, may mga malalaking bato rin na tumabon sa mga bahay.

Gumuho rin ang bundok na minimina sa Itogon, Benguet noong buwan na iyon na ikinamatay ng 50 katao. Ang malakas na ulan na dulot ng Bagyong Ompong ang nagpahina at nagpaguho sa lupa. Natabunan ang mga bahay ng minero sa ibaba ng bundok habang nasa loob ang mga ito kasama ang pamilya.

Kailan matututo ang mamamayan? Marami nang malalagim na pangyayari dahil sa pagguho ng lupa pero laging binabalewala. Sana, sundin ang paalala na huwag tumira sa mga lugar na delikadong maguho. Mahalaga ang buhay at ito ang dapat isalba.

BAGYONG USMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with