Usapang kambal
Kapag ang identical twins ay parehong nagkaanak ng identical twins, ang kanilang mga anak ay maituturing na “magkapatid” at “magpinsan”.
Ang identical same-sex twins ay mas mahaba ang buhay kaysa fraternal same-sex twins. Pero sa pangkalahatan, mas mahaba ang buhay nila kaysa general population. Identical twins ay magkamukha; Fraternal twins ay hindi magkamukha.
Noong 2009, napatunayan ng German police kung sino ang nagnakaw ng mga alahas na nagkakahalaga ng $6.8 million sa pamamagitan ng DNA evidence ng suspect. Ang suspect ay may kakambal at identical twins sila. Walang ebidensiya ang mga otoridad kung sino sa kambal ang nagnakaw dahil magkapareho ang DNA nila. Bunga nito, hindi nila alam kung sino ang sasampahan ng kaso. Ang fraternal twins lang ang may magkaibang DNA.
Habang baby pa ang mga kambal, nakakalikha sila ng mga salitang sila lang ang magkakaintindihan.
Sina Daisy at Violet Hilton ay Siamese twins na magkakabit ang balakang at pigi. Nang namatay si Daisy, ang kakambal niyang si Violet ay nanatiling buhay. Pero pagkalipas ng ilang araw ay namatay din si Violet.
Ang identical twin basketball players na sina Brook at Robin Lopez ay parehong naglalaro sa New York-based teams. Magkasundo at magkasama sila sa iisang bahay. Pero nagdesisyon silang maghiwalay ng tirahan nang makita nilang laging nag-aaway ang mga alaga nilang pusa.
Para makita ang pagkakaiba ng identical twins, tingnan ang kanilang pusod. Ito lang ang parte sa kanilang katawan na may malaking pagkakaiba dahil hindi ito apektado ng genetics.
- Latest