^

Punto Mo

Looban sana kayong mga barat na security agency!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ARAW-ARAW ang dagsa ng mga inabusong security guard sa aming tanggapan. Naiiba lang ang mga mukha ng mga nagrereklamo pero iisa lang ang sumbong.

The usual… mababang pasahod, walang benepisyo. ‘Pag minalas-malas, pahirapan pa sa pagkuha ng cash bond at 13th month pay. O kaya naman, kapag pinagsakluban ka ng langit at lupa, wala ka talagang makukuha.

Nakakasawa na at nakakainis. Hindi dahil napapagod na kami sa paulit-ulit na reklamo bagkus nabubuwisit sa ‘di maubos-ubos na mga mapanlamang.

Bilang sumbungan ng bayan, tutulungan namin ang bawat isang inaping sekyu na magpupunta sa aming tanggapan. Kahit ako pa mismo ang sumugod sa mga agency na inirereklamo.

Kawawang mga sekyu… ‘yung iba, dekada na sa serbisyo. Tapos malalaman na walang hulog ang SSS, Pag-IBIG at Philhealth.

Laging nangangako na ihuhulog. Mga boss… mga tsip… criminal offense ‘yang kabulastugan niyo. Mandato ng gobyerno.

Kung makukulong lang lahat ng mga barat na ahensya at ‘di nagbabayad ng social contributions, sardinas siguro ang sitwasyon sa selda.

Alam na alam na namin ang mga boladas ninyo. Karamihan sa mga security agency, napaka­tagal mag-release ng suweldo. Palaging delayed. 

Magtuturuan ng kliyenteng pinagsisilbihan. Pareho namang may kasalanan.

Ang mga kliyente, gusto ng barat… gusto ng mura. Walang pakialam sa kapakanan ng mga guwardiya. Barat na nga ang pasuweldo, daig pa ang pagong magpasuweldo.

Ang mga desperadong security agency naman, pinapatos ang mga kontratang mababa. Kaya kayong mga tuso, mahiya nga kayo. Ang gaganda nga inyong mga pangalan, dorobo naman.

Buruin mo, pagtatrabahuin nang halos 12 oras tapos hindi makatwiran ang kikitain ng mga gwardiya.

Kung hindi tama ang pasahod ninyo, ‘wag na lang kayong kumuha ng mga guwardiya. Sana maubos ang mga exploited niyong sekyu para malooban na lang kayo.

SECURITY AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with