‘St. Babalu’
NOONG high school ay nakasali ako sa grupo ng mga estudyanteng performers sa iba’t ibang parish church ng aming probinsiya. Dancing, singing at stage play ang aming ginagawa bilang bahagi ng isang proyekto ng simbahang Katolika ng Pilipinas. Twice a week ay isinasama kami ng aming parish priest at isang project coordinator sa iba’t ibang bayan para mag-perform.
Ang project coordinator na tumatayong guardian ng mga performers ay isang matanda na lihim naming tinatawag na
Babalu. Naiinis kasi kami dahil masungit ito sa amin. Naging secretary ito ng archbishop kaya naging project coordinator.
Kilalang relihiyoso ang pamilya ng matandang ito sa aming bayan.
May isang pagkakataon na inimbita kami ng archbishop na maghapunan sa kanyang official residence. Habang kumakain kami kasalo ang archbishop ay umandar na naman ang kata Rayan ni Babalu. Ang pagnguya namin ng pagkain ay sinabayan niya ng pagbubunganga:
“Bilisan ninyo ang pagkain, hindi puwede rito ang kukupadkupad.
May practice pa tayo.”
Akala siguro ni Babalu ay mai-impress ang archbishop sa kanyang ginagawa. Pero nagkamali siya. Nagsalita ang archbishop sa aming mga performers.
“Please take your time. Enjoy your meal. Maaga pa naman para madaliin mo ang mga bata. Paano maa-appreciate ng mga bata ang grasya ng Diyos, kung pagmamadaliin mo sila sa kanilang pagkain? By the way, natanggap na ba ninyo ang inyong allowance?”
Nagtinginan kami sa isa’t isa. Walang sumagot. Halata sa aming facial expression na wala kaming natanggap. Isang araw, bago na ang project coordinator na ipinadala sa amin. Tinanggal na pala ang matandang santo santito.
- Latest