^

Punto Mo

Huwag lang dayain kay Lim ang Maynila

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BASTA patas lang ang labanan sa eleksyon at walang dayaan o pera-perang mangyayari o lagayan tiyak na si dating Mayor Fred Lim ang muling iluluklok sa trono sa Manila City Hall para muling maging alkalde.

Sabi nga, ‘Dirty Harry,’ balik cityhall!

Naku ha!

Sana nga!

Kamakailan ay umalingawngaw sa apat na sulok ng Maynila na umatras daw si Lim sa pagtakbo bilang alkalde sa 2019 midterm election.

Totoo palang umatras si Lim sa pagtakbo hindi sa pagka-alkalde kundi sa takbuhan d’yan sa Luneta dahil maulan.

Si Lim kasi ay araw-araw, uma-umaga kung mag-jogging sa Luneta para maging malusog at maging malakas.

Sabi nga, healthy leaving ang exercise!

Natawa na lamang si Fred sa nagpakalat ng tsismis na ayaw na niya sa politika sa Maynila.

Ang alam ng mga nagmamahal kay Lim sa Maynila, grabe ang kaba ng mga kalaban niya porke sa mga survey na totoo ito ang number 1.

Sa mga gawa-gawang survey ng kanyang mga kalaban number 2 daw si Lim pero hindi na natin babanggitin pa ang nagplano ng gimik dahil hindi birong salapi ang binuhos nito para bilugin ang ulo ng mga taga - Maynila dahil alam nila ang bango at lakas ni Fred sa susunod na eleksyon.

Sabi nga, kathang isip lang ang gimik nila!

Hindi kasi nakakalimutan ng mga botante ng Maynila kung ano ang mga ginawa ni Lim habang siya ang Mayor dito.

Ika nga, hindi biro ang mga project at mga itinayo o ipinagagawa ni Lim para maitulong sa mga kapus-palad na mga pobreng alindahaw.

Maraming plano si Lim sa Maynila oras na bumalik ito sa trono sa cityhall tulad ng panibagong pagpapatayo ng mga annex building na University of Manila sa mga distrito para mas dumaming taga – Maynila ang makapag-aral ng libre at makatapos ng college.

Isa rin sa mga gagawin ni Lim ang pababain ang masiadong mataas na buwis sa Maynila kaya maraming mid-class madlang people rito ang naiiyak sa ipinatupad na sagarang bayarin sa taxes.

Ang pagpapagawa ng mga low-cost housing na abot kayang hulugan para hindi na palayasin pa ang mga taga - Maynila na kung saan-saan itinatapon.

Dito kinakabahan ang mga kalaban ni Lim sa kanya dahil ang mga gusto niyang gawin ay hindi nila kayang gawin! Abangan.

FRED LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with