PNP academy ‘blowjob’ scandal, asan ang pangalan
MUKHANG isusupot o masisibak ang tatlong upperclass men na sangkot diumano sa ‘blowjob’ scandal na ipinagawa ng isa sa mga ito sa dalawang pobreng plebo ng PNPA academy.
Naku ha!
Patay...
Dapat lang para hindi na ito pamarisan pa ng ibang kadeteng upperclassmen na up to now ay mahilig pa rin sa ‘hazing.’
Noon kasing Oct. 6, isang 3rd year cadet ang umano’y nag-utos na mag-oral sex ang dalawang plebo dahil sa hindi pagtalima sa utos ng una?
Ang dalawang kadeteng nasama sa pagsupot ay mga sophomores students na nanood lamang sa ginagawa ng dalawang plebo at walang ginawa man lang para matigil ang ‘blowjob.’
Sabi nga, mukhang nasarapan sa panonood?
Dapat kasing pina-push-ups o pinatakbo na lamang sa academy oval ang dalawang plebo na dapat na parusa sa kanila sa hindi pagsunod kaysa ginawan ng kababuyan.
Ayan, sibak tuloy sila?
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng pamunuan ng PNP at PNPA ang pangalan ng mga sumabit sa ‘blowjob’ scandal.
Bakit kaya?
Pinagtatak ba nila ito o sadyang malakas ang isa sa mga isusupot?
Kung mahirap ang nasabit dito sa scandal tiyak matagal ng umalagwa ang pangalan nito? Hehehe !
Bakit kailangan itago ang pangalan ng isa sa mga nag-utos ng blowjob ?
Ano ang dahilan ?
Mukha bang General ang erpat ng isa sa mga ito kaya ayaw ilabas ang pangalan nila ?
Ang tatlong kadete ay guilty sa administrative charges.
Ika nga, grave delinquency, ang conduct unbecoming of an officer o acts inimical or prejudicial to good order or discipline.
Naku ha!
Ano ba ito ?
Daming kaso ?
Puera pa dito ang ‘hazing charges’ at maari pa silang makalaboso kapag nagkataon.
Naku ha !
Lagot.
Kailan kaya ito pa-pangalanan ?
Mukhang may duda pa tungkol sa ‘blowjob’ scandal parang ang ilan sa mga matatas na opisyal ay ayaw yatang maniwala kahit nagsalita na ang dalawang biktima at nagtuturo ito.
Naku ha !
Mukhang may umaalalay pa sa mga ito ?
Abangan.
- Latest