^

Punto Mo

Tara sa sugal lupa sa Maynila, lomobo!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Matibay din ang dibdib ni Ramon Preza, alyas Don Ramon, ang mayor ng Tiaong, Quezon. May gana pa kasing mag-utos si Don Ramon sa Laguna PNP na palakihin ang kubransa niya sa Small Town Lottery (STL) kahit ni singkong duling ay wala s’yang suporta sa mga ito. Kinukupit ni Don Ramon ang one percent na share ng Laguna PNP, pati ang para sa mga hepe ng siyudad at bayan kaya’t sino na lang ang susunod sa kautusan n’ya? Hak hak hak! Kung P150,000 kada araw ang langis ni Don Ramon sa mga “malalaking isda” sa Calabarzon police eh di dapat dun s’ya mag-utos, di ba mga kosa? Malinis itong P4.5 milyon kada buwan ah. Kung mabangis itong si Pres. Digong laban sa mga pulitiko na sangkot sa droga sana pati sa mga gambling lords ganun din s’ya.

• • • • • •

Nagtiklupan ang sugal lupa sa Maynila ng nakaraang linggo, hindi dahil sa kampanya ng pulis laban sa kanila kundi bunga sa pananalasa ng mga Doberman ni Sr. Supt. Vicente Danao, ang bagong upo na hepe ng Manila Police District (MPD). Paanong hindi magkagulo ang tabakuhan eh nagpadoble o humigit pa ang mga Doberman na sina Alex Navarette, Boy Wong at Boboy Alquiroz kaya’t nag-iyakan ang mga financiers ng sugal lupa. Araguuuyyyyyy! Kaya’t hayun, bumaha ng luha sa Maynila at maging ang mga supporters ni Manila Mayor Erap Estrada ay hindi malaman kung anong delubyo ang tumama sa kanila. Ayon sa mga kosa ko, ang dating P50,000 weekly ay ginawa ng mga Doberman na P200,000, ang P60,000 sa P200,000 din at ang P90,000 at naging P150,000. Wala pa riyan mga kosa ang «goodwill» na P100,000 hanggang P150,000.» Nakayanan kaya ito nina Gina VK, Marissa, Boy Abang, Paknoy at Jeff Sampaloc? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hak hak hak! Siyempre, di pa natin alam kung me go signal ni Danao itong pananalasa ng mga Doberman.

Sa totoo lang, mahigit anim na taon na hinawakan ni alyas Tata Eric, bilang enkargado ang MPD at tahimik naman. Subalit sa tagal na panahon na nabakante sina Navarette, Wong at Alquiroz, aba lahat na lang pinatulan, pati na ang mga damong ligaw sa kalye. Potahhhhh! Sinabi ng mga kosa ko na ang bid ng mga Doberman ay P600,000 na malinis weekly ang para kay Danao. Kapag isinama ang gastusin tulad ng allowance sa command staff at iba pang pakikisama, aabot ito ng P850,000 weekly kaya’t kailangan ng mga Doberman na makakolekta ng mahigit P1 milyon para me maipakain din sila sa kanilang mga pamilya. Kaya lang, saan nila kukunin ang P1 milyon ha Mayor Erap Sir? Baka naman pati droga ay may intelihensiya na tulad noong hindi pa si Digong ang presidente? Kaya makuha ang P1 milyon na tara ang paraan nina Navarette, Wong at Alquiroz ay pati engkargado ng mga stations ay kinuha din nila. Papalad t’yak ang mga station commanders dito dahil magmukhang suwelduhan na lang sila, di ba mga kosa? Araguuuyyyyy! Hak hak hak! Mukhang ang mga Doberman na lang ang masaya sa Maynila ah? Potahhhh!

Kaya paulit-ulit kong sinasabi mga kosa na itong tinatawag na bidding ng tara sa pasugalan ay hindi magandang ideya para sa mga PNP officials natin. Mapupuno nga ang bulsa nila subalit ang pangalan naman nila ay gasgas sa kalye. Sa pagkaalam ko, PNP chief material si Danao subalit mukhang semplang ang mga unang hakbangin n’ya. Potahhhh!!! Anyare? Abangan!

RAMON PREZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with