Baha na naman ang paputok!
KAHIT tuwirang ipagbawal ni Pres. Digong Duterte ang pagpapaputok sa darating na Bagong Taon, malamang pa sa sigurado na nakarating na ang bulto ng imported na mga pa-putok at maaring nakaimbak na sa mga bodega partikular na sa mga bayan sa Bulacan ang mga finished products nito.
Karaniwan ding nagpaparating ang mga importers ng mga Christmas season products tulad ng mga laruan, damit at pa-putok magmula Agosto hanggang Nobyembre, kaya malamang na puno na rin ang mga bodega ng mga department stores at firework traders.
Malaking hamon ito kay Digong
Matagal nang bawal sa Davao City ang magpaputok tuwing Bagong Taon at madali itong maipasunod sa kanila dahil napaparusahan talaga ang lumalabag sa ordinansa ng lungsod ‘di tulad sa mga siyudad sa Visayas at dito sa Luzon na ang mga ordinansa ay binabalewala. Kung hindi nga lamang magiging masama ang ipag-utos na walang gamutan sa pagitan ng 10:00 p.m. hanggang 2:00 a.m sa pagpasok ng Bagong Taon baka makabuti pa. Ang kaso, hindi ito gagawin ng mga local officials dahil malapit na ang eleksyon. Pustiso kasi ang pangil ng batas sa maraming lungsod sa Pilipinas. Iba talaga sa Davao City he he!
Hiram na tradisyon iwaksi na!
Nahiram lamang natin ito sa mga Intsik para diumano ay lumayas ang masasamang espiritu sa paligid ng tahanan, pero dinalhan naman tayo ng opium at shabu para mawala ang matinong espiritu ng mga Pilipino. Diyaskeng tradisyon yan!
Maraming sakit at sakuna ang idinudulot ang paputok bukod pa sa maaring makasunog ito ng bahay. Ilan na ring mga bata ang naputulan ng daliri at nabulag dahil sa paputok, at maging sa usok nito na nakakapaghatid ng malalang ashma, bronchitis at tetanus na dumadale mga bata at senior citizens. Iwas na!
- Latest