^

Punto Mo

Umiwas sa usok ng sigarilyo

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ANUMAN ang kampanyang gawin ng gobyerno laban sa paninigarilyo, hindi pa rin mabilang ang taong tumatangkilik dito. Kahit na nilagyan pa ng images ng taong may mga sakit ang mga kaha ng sigarilyo na talaga namang nakakatakot ang hitsura, nandun pa rin ang pagkahumaling dito.  Katwiran ng iba, nakaka-relax ang paninigarilyo.

Sa iba, perwisyo ang dulot nito, lalo na sa mga taong ayaw na ayaw makalanghap ng usok. Pero sadyang marami tayong kababayang insensitive na kahit sa mga lugar na air-conditioned ay walang pakundangang naninigarilyo. Resulta? Kahit tayong hindi naninigarilyo ay nag-aamoy-beha na rin lalo na kung nasa isang air-conditioned room tayong lahat.

Hindi rin puwera ang mga doctor, narses, at iba pang health professionals sa habit na ito. Mara-mi ring naninigarilyo sa mga kasamahan sa propesyon. Siguro nga’y sadyang iba ang pang-akit na taglay ng sigarilyo. Kapag nasimulan na at nakasanayan, nahihirapan nang bumitaw pa rito.

Kahit ang mga babae ay hindi na puwera sa paninigarilyo. Pihadong marami kayong kaki­lalang babae na naninigarilyo. May narinig pa nga akong nagsabi na parang kay sosyal ng babaing smoker!

Ang usok ng sigarilyo ay nagtataglay ng napakaraming substances na nakasasama sa katawan   gaya ng kemikal, gas, at maliliit na droplets ng “tar”. Karamihan dito ay puwedeng magdulot ng kanser.

Ano ba ang nangyayari sa loob ng baga kapag tayo’y naninigarilyo? Ang irritants na taglay ng usok ay nagdudulot nang pagsikip sa daluyan ng hangin at nagbibigay-daan upang ang bronchial tubes ay magpundar ng maraming mucus o plema. Sinisira rin ng naturang mga irritants ang mga cells ng ating immune system sa baga. Nasisira rin nito ang tamang balance ng pulmonary enzymes kaya’t mas madaling makapasok ang iba’t ibang sakit sa baga.

Ang nalanghap na usok ng sigarilyo ay nagpapabagal  sa normal na paggalaw-galaw ng tinatawag nating “cilia”, para itong mga maliliit na balahibo sa ating windpipe at bronchial tubes na nagtataboy sana sa mga foreign materials na nakapapasok sa baga. Mahalaga ang mga cilia na ito upang mapanatiling malusog ang ating baga.

Ipinapaalala ko rin na nagtataglay ng “carbon monoxide” ang usok ng sigarilyo. Hindi mabuti sa katawan ang carbon monoxide sapagkat kapag humalo ito sa ating hemoglobin, nabubuo ang tinatawan na “carboxyhemoglobin” na humaharang sa pagdaloy ng kinakailangang oxygen sa mga  tissues ng ating katawan.

Kung susuriin ang level ng “carboxyhemoglobin” sa dugo ng isang taong naninigarilyo, ito ay nasa pagitan ng 8 to 10 percent. Samantala, ang mga taong hindi naninigarilyo ay aabot lamang ng hanggang 1.5 percent. Ang laki ng pagkakaiba! Isipin n’yo na lang ang posibleng damage na idudulot nito sa inyong baga.

Pero paano kung gumagamit ng “pipa” sa paninigarilyo? Mas masasabi bang healthy ito? Wala ba itong panganib na idudulot sa katawan?

Totoo ngang hindi tahasang nalalanghap ang usok ng sigarilyo ng mga taong gumagamit ng pipa kung kaya marami ang naniniwalang hindi sila kakapitan ng sakit sa baga. Pero hindi ito garantisado. Mas mataas pa rin ang insidente ng mga sakit sa baga sa mga taong naninigarilyo gamit ang pipa kaysa sa mga taong hindi talaga naninigarilyo.

Mas mabuting simulan nang ihinto ang paninigarilyo. O huwag nang subukan pang manigarilyo upang makaiwas sa panganib nang maraming sakit.

Binabati ko ng happy birthday ang aking kapatid na si Ma. Teresita Gatmaitan-Alimato ng Avida Residences sa Cabanatuan City. Nagdiwang siya ng 50th birthday noong Oktubre 15, 2018. Pagbati rin mula sa kanyang kabiyak na si Bong at mga anak na sina Tricia Nicole at John Patrick. May you continue to be a blessing to others, sister Tess. Proud to be your brother.

SIGARILYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with