^

Punto Mo

70-anyos na lola, mabilis natinapos ang Chicago marathon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGTALA ang 70-anyos na si Jeannie Rice ng bagong world record para sa kanyang age category nang tapusin niya ang Chicago Marathon ng mas mabilis sa tatlo’t kalahating oras.

Tinapos ni Rice ang marathon sa oras na 3:27:50.

Ang dating record para sa 70+ women’s category ay 3 oras, 35 minuto at 29 segundo, na naitala ni Helga Miketta noong 2013. Naungusan ni Jeannie ang nasabing record ng higit sa pitong minuto.

Sa kabila ng kanyang nakamit ay wala namang kabakas-bakas ng hirap sa itsura ni Jeannie nang tawirin niya ang finish line. Sa katunayan nga ay pumasok pa sa trabaho kinabukasan ang lola mula Ohio.

Ngunit hindi na dapat magtaka sa kakayahan ni Jeannie sa pagtakbo sa marathon sa kabila ng kanyang edad. Halos buong buhay niya ay nagmamarathon siya, na sinimulan niya noon pang 1984 sa Cleveland.

‘I’ve been running for 35 years and it is a huge part of my life,’ ayon pa kay Jeannie.

Ang pinakamabilis niyang recorded time ay 3 oras at 16 minuto na kanyang naitala sa isang marathon na sinalihan niya sa Columbus, Ohio. Ang takbo niyang ito sa Chicago ang kanyang ika-16th na marathon.

vuukle comment

CHICAGO MARATHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with