^

Punto Mo

Tanim na kamatis, umabot sa dalawang palapag ang taas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AGAW-PANSIN ang isang bahay sa Pennsylvania dahil sa nakatanim na kamatis sa harap nito.

Umabot na kasi sa pangalawang palapag ng tahanan ng pamilya Krum ang taas ng kanilang tanim na kamatis na itinanim limang buwan pa lang ang nakararaan.

Ayon kay Sam Krum, ilang taon na siyang nagtatanim ng halaman at gulay sa kanilang bakuran ngunit ang kamatis pa lang ang tumubo ng ganoon kataas.

“I don’t know why it got that big, but it just grew and grew and grew,” dagdag pa ni Krum.

May hinala naman siyang ang fertilizer na ginamit niyang pataba ang sanhi ng kakaibang paglaki ng kamatis.

Kasabay ng paglaki ng kamatis ay ang pagkahitik naman sa mga bunga nito. Sa rami ng bunga na kanilang napipitas, sawang-sawa na raw ang kanyang pamilya sa spaghetti at tomato sauce na kanilang niluluto mula sa kanilang sangka-tutak na kamatis.

Bagama’t talagang pambihira ang halaman ng kamatis ng mga Krum sa taas nitong 22 talampakan, maliit pa rin ito kung ikukumpara sa halaman ng kamatis sa England na umabot sa 65 talampakan ang taas at kinikilalang pinakamataas sa buong mundo.

vuukle comment

PENNSYLVANIA

SAM KRUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with