^

Punto Mo

Ang batang ‘kinidnap’ ng Papa

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANIM na taon si Edgardo Mortara, anak ng mag-asawang Jewish, nang kunin siya ng mga pulis mula sa kanilang tahanan sa utos ni Pope Pius IX. Noong araw, ang Papa ay doble ang kapangyarihan, siya na ang pinuno ng bansa, siya pa rin ang pinuno ng Simbahan.

Ang pamilya ng mga Mortara ay may isang yayang  Katoliko na nag-alala sa kalagayan ng batang si Edgardo. May mabigat na karamdaman si Edgardo at nag-aalala ang yaya na kapag namatay ito ay pumunta sa impiyerno ang kanyang kaluluwa dahil hindi man lang nakatanggap ng sakramento ng Binyag.

Humingi siya ng tulong sa Papa. Nakiusap na binyagan ang bata bago pa ito mamatay. At iyon nga, isang gabi’y sapilitang kinuha si Edgardo ng mga pulis para dalhin sa Papa at binyagan ito. Nagkaroon ng komplikasyon matapos binyagan si Edgardo. Sa ilalim ng Canon Law (batas ng Simbahan), ang batang bininyagan sa ilalim ng Simbahang Katoliko ay hindi dapat payagang makipamuhay sa mga non-Catholic kahit pa sila ay mga magulang nito. Inilayo si Edgardo sa kanyang mga Jewish na magulang at itinira sa tahanang itinalaga para sa mga dating non-Catholic pero na-convert sa pagiging Katoliko. Dinadalaw lang ang bata ng mga magulang minsan sa isang linggo.

Ang sabi ng pamunuan ng Papal State, makukuha ng magulang si Edgardo kung ito ay magpapa-convert sa pagiging Katoliko. Ngunit nagmatigas ang mga magulang kaya’t nanatili si Edgardo sa kalinga ng Papa. Lumaki si Edgardo na hindi nakapiling ang mga magulang. Nang maglaon ay naging pari siya. Nang namatay si Pope Pius IX, siya ang numero unong sumuporta na gawin siyang santo. Tingnan mo nga naman ang “irony” ng buhay, ang kidnap victim ang unang nagsulong na gawing santo ang kanyang kidnaper.

KINIDNAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with