^

Punto Mo

Passport, makukuha na sa loob ng 6 na araw – Cayetano

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

EPEKTIB Oktubre 1, makukuha na ng mga Pinoy ang kanilang passport sa loob lamang ng anim na araw imbes na dati ay halos isang buwan. Itong pag-ikli ng pagproseso ng passport applicants ay kasama sa pangako ni Foreign Affairs Sec. Peter Cayetano kay President Digong na gagawing mabilis, epektibo at siguradong serbisyo sa pagkuha ng passport. Simula noong Lunes, ang mga passport applicants sa DFA Consular Offices sa Metro Manila na nagbabayad ng regular processing fee na P950 ay makakatanggap na ng kanilang passport sa loob ng 12 working days imbes na 15 araw. Samantalang ang kaya namang magbayad ng express processing fee na P1,200 ay sa loob ng anim na araw. Ang mga DFA Consular Office naman sa labas ng Metro Manila ay makatanggap ng kani-kanilang passport sa loob ng 12 working days imbes na 20 araw at ang mga express processing naman ay pitong araw imbes na 10 araw. Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, hindi lang sa bansa ang passport processing ang pinabibilis ni Cayetano kundi maging sa Philippine Embassies at Consulates General sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Si Cayetano mga kosa ay kasalukuyang nasa New York para maging kinatawan ng bansa sa 73rd Session of the United Nations General Assembly subalit hindi balakid sa kanya ito upang patuloy na magtrabaho para sa ikakabuti at ikabibilis ng passport processing sa DFA. Hak hak hak! Kanya-kanyang raket lang ‘yan, ‘di ba mga kosa?

Itong mabilis na pagproseso ng passport mga kosa, kabilang na rito ang e-payment at ang pagbukas ng 10,000 slots mula 12 p.m. hanggang 9 p.m. mula Lunes hanggang Sabado, ay kasama sa repormang inihain ni Cayetano sa DFA para matugunan ang malaking bilang ng passport applications. Kung ang DFA ay nakapag-proseso ng 9,500 passports kada araw noong Mayo ng nakaraang taon, eh halos 20,000 na ang naproseso nila kada araw sa ngayon. Tinatarget pa ni Cayetano na ipaabot ito sa 30,000 bago matapos ang taon. Get’s n’yo mga kosa? Hindi naman kaila sa atin mga kosa na mula nang maupo sa DFA si Cayetano noong 2016-17, aba umalagwa ng 19.38 porsiyento ang pag-isyu ng passports. Sobrang laki ng pag-unlad nito sa 1.89 porsiyento noong 2015-16 at .54 percent sa 2014-15, di ba mga kosa? Bago maupo si Cayetano, ang passport applications na pinoproseso ng DFA ay aabot lang ng 9,000 samantalang 19,000 na sa ngayon, sa pamamagitan ng online appointment, OFW sa tulong ng Licences Recruitment Agencies, Passport on Wheels, at mga walk-in applicants. Hak hak hak! Sobrang busy talaga ni Sec. Cayetano no mga kosa?

Kung sabagay, mula nang maupo siyang DFA secretary, kung anu-anong proyekto na ang inilunsad ni Cayetano hindi lang para mapabilis ang passport applications kundi maging sa pagsugpo ng graft and corruption na kasama sa programa ni President Digong. Ang ilan dito ay ang e-payment portal kung saan tumaas ang tinatawag nating show-up rate ng aplikante mula sa 65 porsiyento tungo sa 95 porsiyento; ang Passport on Wheels kung saan may 201 sites na ito mula Sept. 19 at halos pinagserbisyuhan ang 200,000 applicants; ang pagbukas ng consular offices sa Ilocos Norte at Isabela at aabot sa anim o pito na nito ang bubuksan sa hinaharap; ang patuloy na pagserbisyo tuwing Sabado sa Aseana mula Feb. 10 kung saan 45,000 applicants na ang nakinabang dito, at ang pag-kansel ng tinatawag na bogus appoinment kung saan madaming aplikante ang nadorobo. Hindi lang ‘yan! Sa tulong ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at ng NBI halos 27 fixers ang nahuli at kinasuhan. Hak hak hak! Winakasan na ni Cayetano ang maliligayang araw ng mga fixers sa DFA, di ba mga kosa?

At para mapadali ang passport applications, binago ng DFA ang apppoinment system para madaliang makita ang available slots, naglagay ng feedback mechanism para bigyan paalala ang mga applicants tungkol sa hinaharap nilang problema at kung ano ang solution nito, ang pag-ayos ng courtesy lane para hindi na sila dadaan pa sa online appoinment at higit sa lahat ang pagtanggal ng mahigit 1,000 Facebook sites at pages kung saan ibinebenta ng sindikato ang mga appointment slots. Hehehe! May pandugtong pa ba kayo dito sa mga accomplishments ni Cayetano, mga kosa? Abangan!

vuukle comment

PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with