^

Punto Mo

Matandang Tinali (231)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UNANG pagkakataon na naglapat ang mga labi nina Dong at Joy habang nasa ilalim ng tubig. Isang bagong karanasan. Kahit na malamig ang tubig, nagbabaga naman ang mga labi nila. Napakasarap pala!

 

Hindi alam nina Dong at Joy kung gaano sila katagal sa ilalim ng tubig pero ang tangi nilang alam, walang kasingsarap ang paghahalikan ng nagmamahalan na katulad nila. Mahal nila ang isa’t isa kaya naman damang-dama nila ang sarap nang paglalapat ng labi.

Hinabol nila ang paghinga nang pumaibabaw.

“I love you Joy!” sabi ni Dong makaraan ang ilang sandali.

“I love you too, Dong!”

“Tuloy na tuloy na ang pag­papakasal natin!”

“Kailan ba ang balak mo?’’

“Kung kailan mo gusto. Kung ako ang masusunod, kahit sa isang linggo, puwede na tayong magpakasal.’’

“Ayaw ko nang magar-bong kasal, Dong. Kung maari, tig-isang ninong at ninang lang at ilang abay ang kunin natin. Ang mahalaga, mabasbasan tayo.’’

“Aba e di kahit sa isang linggo nga ay puwede na tayong pakasal.’’

Halika nga ‘run sa pampang at pag-usapan natin at planuhin. Giniginaw na kasi ako rito.’’

“Halika Joy!”

Nagtungo sila sa pampang. Nagbihis sila. Pagkatapos ay naupo sa damuhan.

“Kung gusto mo nang simple lang e di kahit next week, pakasal na tayo.’’

“Gusto ko, sa bahay kubo tayo mag-reception.’’

“Okey. Yun din ang gusto ko, Joy.’’

“Sige ituloy na natin, excited na ako, Dong.”

(Itutuloy)

MATANDANG TINALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with