^

Punto Mo

Matandang Tinali (228)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAPOS na ang kubo na ipinagawa ni Dong para kay Joy. Tuwang-tuwa si Joy.

“Halika umakyat tayo para makita mo ang kabuuan. Tiyak magugustuhan mo, Joy.’’

Umakyat sila. Mas mataas ang kubo dahil siyam na baytang ang hagdan na hindi katulad ng nasunog na kubo na tatlong baytang lang.

“Ang taas nito, Dong. Kubo ba ito o mansion na, he-he-he.’’

“Ibang klaseng kubo ito, Joy.’’

Humanga si Joy sapagkat napakaganda at napakalaki ng loob ng kubo. Malaki ang salas na kasya ang ilang sopa.

“Ang ganda, Dong! Hindi nga ito kubo!’’

“Wala pa lang gamit pero magkakaroon din ito after ilang araw.’’

“Sinorpresa mo ako, Dong!”

“Tingnan mo ang mga kuwarto at matutuwa ka.’’

“Ilan ba ang kuwarto nito?’’

“Dalawa!’’

Pinuntahan nila ang unang kuwarto.

“Ang laki nitong kuwarto. Kasya rito ang queen size na kama ah!’’

“Oo. Mas malaki, mas maganda. Mga ilang araw pa at may kama na ‘yan.’’

“Ang ganda, Dong!”

Tiningnan nila ang isa pang kuwarto.

“Ang laki rin nito. Pero bakit nga pala dalawa ang kuwarto?’’

“Para sa bisita. Mabuti nang may ekstra.’’

“Okey. Maganda ang na­isip mo.’’

“Tingnan natin ang di-ning area at kitchen.’’

Tinungo nila.

“Wow maaliwalas ang dining area. Parang masa­rap kumain,” sabi ni Joy.

“Yung kitchen, tingnan mo at magugustuhan mo rin.’’

Tiningnan ni Joy. Tuwang-tuwa ito. Napakagan­da!

“Teka nga pala Dong, bakit nga pala ang laki e ako lang naman ang titira rito. Kakalug-kalog ako rito.’’

Nagtawa si Dong.

“Tayong dalawa na ang titira rito pagkakasal natin. Ito na ang bahay natin, Joy.”

Hindi nakapagsalita si Joy sa sobrang saya.

Napayakap kay Dong.

Makalipas ang ilang oras, nagyaya si Dong na mamasyal sila sa burol.

Napakasarap sa burol. Sariwang-sariwa ang ha-ngin.

Nang magsawa sila sa burol, bumaba na sila.

Nagyaya si Dong na maligo sila sa sapa.

(Itutuloy)

MATANDANG TINALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with