^

Punto Mo

‘Oplan Sagip Mata’ ni Marinas sa Munti

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

KAHIT sinong madlang people na lumapit at humingi ng tulong kay BI Associate deputy Commissioner at Port Operation Division chief Marc Red Marinas, ay hindi mapapahiya basta hindi ito manggagantso.

The other week ay naisip niyang maglunsad ng programang ‘Oplan sita este mali Sagip Mata’ pala d’yan sa Muntinlupa City para tulungan ang mga pobreng alindahaw na alaws kakahayang ipa-gamot o ipatanggal ang kanilang mga ‘cataract’ sa kanilang mga mata.

Hindi biro kasi ang halaga para ma-opera ang isang pasyenteng may katarata lalo’t iyong mga walang pambayad.

Ang lenteng ilalagay sa mata ay may presyo na.

Ika nga, may kamahalan ito!

Nagbigay ng libreng salamin sa mata si Red sa mga taga- Muntinlupa City na nangangailangan nito.

Ika nga, lapit lang kay Red tiyak hindi ka mapapahiya sa problema sa mata.

Gusto bang pumalaot ni Marinas sa politika kaya niya inuum-pisahan ang pagbibigay ng libreng salamin at ang oplan sagip mata?

Sagot - nagmumuni-muni pa si Red kung tutuloy sa politika pero dati na kasi niya itong ginagawa sa mga taga - Munti.

Bakit sa Munti?

Sagot - tagaroon si Red sa Muntinlupa kaya kapa nito ang pulso ng kanyang mga constituents.

Hindi lang naman sa Muntinlupa City gumagawa ng kabutihan si Red maging sa Marawi ay tumulong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng ‘slippers.’

May mga nagsagawa ng survey sa Muntinlupa City halos maganda ang responds ng mga constituents nito roon dahil lamang lang ng kaunti ang nakaupo sa trono ngayon dito.

Ika nga, kung talagang tutuloy si Red tiyak mapapatayo niya ang naka-upo sa trono para siya ang pumalit sa 2019 midterm election.

Naku ha!

Itulak si Red para tumuloy sa pagtakbo?

Huwag kang mainip kamote hayaan natin siyang mag-isip dahil hindi biro ang politika.  Abangan.

• • • • • •

Bagyong Ompong sana mabasag

Hindi biro ang lakas ni Ompong, super typhoon ito, na tatama sa Republic of the Philippines my Philippines ilang oras mula ngayon.

Sana mabasag ang lakas nito para hindi makapinsala sa madlang people at makapanira ng mga ari-arian.

Grabe na nga ang inflation sa Philippines my Philippines dito pa dadaan si Ompong.

Ipagdasal nating lumihis ito ng direksyon.

Hindi biro si Ompong, kalbaryo ito kapag tumama sa lupa, sana hindi malakas.

My Lord, help us! Amen.

MARC RED MARINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with