^

Punto Mo

Madilim ang kinabukasan ng taga-Pangarap Village!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MALAKI ang posibilidad na magkasakit ang 33,000 residente sa Barangay 181 at 182 sa Pangarap Village, Caloocan City dahil sa kawalan ng kuryente at tubig. Nasira ang poste ng Meralco sa Quirino Ave. dahil sa habagat noong nakaraang buwan kaya nawalan ng kuryente sa Parangap. Dahil walang kuryente, ang water pump na nagdi-distribute ng tubig sa dala­wang barangay ay hindi umaandar. Kung ilang ulit nang sumulat sa Meralco si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan subalit hindi tinutugunan ang problema ng mga residente dahil hinaharangan ng Carmel Farms Inc. (CFI) ang daanan tungo sa Parangap. Ayaw pumayag ang management ng CFI na pag-aari ni Greggy Araneta na pumasok ang Meralco para ayusin ang poste. Nakikiusap si Chairman Noel Brin ng Bgy. 182 sa pamilya Araneta na maantig ang puso nila at payagan ang Meralco na makapasok sa lugar nila dahil kalunus-lunos na ang kalagayan nila. Hak hak hak! Hanggang kailan kaya titikisin ng pamilyang Araneta ang mga residente ng Pangarap? Kapag puti na ang uwak? Ano ba ‘yan?

Siyempre, dahil walang kuryente, nabubulok na ang mga nakatagong gamot, lalo na ang kontra dengue, sa refrigerator sa health center ng Pangarap Village. Madilim na rin ang lugar kaya maging ang mga mag-aaral sa Pangarap High School at Pangarap Elementary School ay halos hindi makita ang kani-kanilang mga aralin. Dahil sa kawalan ng kuryente at tubig sa kanilang lugar, nangangamba si Malapitan na magdudulot ito hindi lang ng panganib sa kalusugan ng mga residente kundi maging sa kaligtasan at seguridad nila, lalo na sa sunog. Kaya hindi nagtataka si Malapitan kung tumaas ang bilang ng kabataan na nagkasakit sa dengue sa Pangarap nitong nagdaang mga buwan, ayon sa talaan ng City Health Office. Dahil sa isinara ng Carmel Farms ang daan, pati trak na may lulang pagkain, mga construction materials at iba pa ay hindi na makapasok sa Pangarap. May isang kaso pa nga na pati trak ng bumbero ay hinarang ng mahigit 20 minuto kaya’t hayun, tupok na ang bahay ng dumating ang mga bumbero sa lugar. Araguuuyyyyy! Nasa kamay ng pamilyang Araneta ang kinabukasan ng taga-Pangarap. Tumpak!

Para sa kaalaman n’yo mga kosa, ang 156 ektaryang lupain sa Caloocan City ay  ipinamahagi sa mga residente ni dating Pres. Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Pres. Dec. 293 noong Sept. 14, 1973 na nagdeklarang null and void ab initio ng titulo ng mga Araneta. Matapos nito ay ibinenta o ini-award ng gobyerno ni Marcos ang mga lupain sa mga miyembro ng Malacañang Homeowner’s Assocation Inc. at bilang patunay ay inisyuhan sila ng certificate of title. Dahil sa mga titulo, siyempre nagpatayo ng kani-kanilang bahay ang mga awardee dahil in good faith naman nilang nabili ang mga lupa nila. Sa katunayan ang national at lokal ay nagtayo dun ng government services doon tulad ng health center, eskuwelahan, at police station bilang pagkilala sa kanila. Kaya lang matapos mapalayas si Marcos noong 1986, dineklara ng Korte Suprema na unconstitutional at void ab initio ang decree ni Marcos at binigyan ng ngipin ang titulo ng Carmel Farms ng mga Araneta.  Noong 2016 nagsampa ng reklamo si Malapitan sa RTC laban sa Carmel Farms sa ginawang pagharang ng huli sa daan papuntang Pangarap. At noong Abril 25, 2016 nag-utos ng RTC Branch 123 na payagan ng Carmel Farms ang mga sasakyan ng pamahalaang lungsod at iba pang service providers na pumasok sa Pangarap kaya nagkabit ng kuryente ang Meralco dun. Subalit nang nakaraang taon, pinawalang bisa ng Court of Appeals ang writ at ibinasura rin nito ang motion for reconsideration ng Caloocan City. Siyempre, tumungo ang siyudad ni Malapitan sa Korte Suprema at ang panalangin ng mga residente ay maging pabor sa kanila ang desisyon nito para manahimik na ang buhay nila. Hak hak hak! Mukhang madilim ang kinabukasan ng taga-Pangarap, ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

CARMEL FARMS INC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with