^

Punto Mo

PRO1, may P150,000 payola kay Art?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

MAY tsansang masibak sa tungkulin si PRO1 director Chief Supt. Romulo Sapitula, hindi dahil sa poor performance, kundi dahil sa P150,000 na monthly payola kay alyas Art. Matapos mapahinto ang payola niya nitong nakaraang Hunyo, aba kung anu-anong tsismis na ang ikinalat ni Art sa Camp Crame para masibak si Sapitula. Ang problema lang, hindi kinagat ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang paninira ni Art kay Sapitula dahil sa alam ng una ang payola niya! Araguuuyyyyy! Get’s n’yo mga kosa? At dahil hindi niya mabola si Albayalde, aba dumiretso si Art kay Speaker Gloria Macapagal Arroyo at dun luminya para magiba si Sapitula. Kaya lang, nakalimutan yata ni Art na si Sapitula ay inulan ng kaso noong hepe pa siya ng Station 3 ng Manila Police District (MPD) dahil sa pagdepensa ng Mendiola bridge tuwing may rally noong si GMA pa ang presidente ng bansa. Kaya na-delay ang promotion ni Sapitula ng mahigit anim na taon dahil sa samu’t saring kaso na ibinato sa kanya ng mga kaliwa o left-leaning groups dahil sa depensa niya sa Palasyo. Hak hak hak! Sana hindi makalimutan ni GMA ang sakripisyo ni Sapitula sa kanya. Tumpak!

At dahil hindi pa alam ni GMA ang sakripisyo ni Sapitula sa liderato niya, pinayuhan n’ya si Art na magpapirma ng white paper sa mga mayor para plantsado ang pagsibak nga ng PRO1 director. Siyempre, may pumirma rin subalit karamihan sa kanila ay humingi ng pasensiya kay Sapitula dahil alam nila ang payola ni Art. Hehehe! Sa panahon ngayon ng mga gadgets, wala ka nang maitago sa madlang people, ‘di ba mga kosa? Sa totoo lang, magreretiro na si Sapitula sa susunod na taon su-balit mukhang hindi makapaghintay si Art na mawala ng mahabang panahon ang payola niya. Kung iginigiit ni Art ang payola niya, ibig bang sabihin ‘yung mga dating PRO1 director ay may payola rin sa kanya? Sa pagkaalam ko ayaw ni President Digong ng corruption eh, kaya dapat mawalis na ang payola system sa PNP, ‘di ba mga kosa? Dapat sigurong magtrabaho si Art para may pagkukunan siya ng suporta sa pamilya niya at hindi umaasa sa grasya ng PRO1, ‘yan ang tugon ng mga kosa ko sa Camp Crame. Hak hak hak! Kung noong panahon ng mga nakaraang administrasyon, sagana ang mga region ng PNP sa pitsa dahil sa jueteng, subalit sa liderato ni Digong napalitan ito ng Small Town Lottery (STL) at kapiranggot lang ang porsiyento ng mga pulis. Get’s n’yo mga kosa? Saan kukunin ni Sapitula ang payola ni Art sa kararampot na MOE niya? Hindi naman puwedeng sa suweldo niya at baka abutin siya ng delubyo ni Misis! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, ang payola ni Art ay ginamit ni Sapitula para umayos o gumanda ang morale and welfare ng mga pulis sa PRO1, kasama na rito sa kampanya sa droga na iniutos ni Digong. Halimbawa ay ang pagpagawa ng swimming pool na ginastusan ng P4 milyon, ang Grotto sa P500,000, ang prayer room sa P800,000, at parade ground backdrop sa P800,000. Ginamit din ni Sapitula ang linya niya kay DPWH Sec. Mark Villar para maipagawa ang stadium at repair ng building sa loob mismo ng Camp Oscar Florendo sa pondong P76 milyon kasama na ang pag-semento ng kalsada sa palibot at labas ng kampo na pati mga residente ay makikinabang. Hindi lang ‘yan! Ang payola ni Art ay ginamit din sa intensified war vs illegal drugs at mahigit 800 pushers at adik ang naaresto habang 12 dito ang napatay. Araguuyyyy! Sobrang haba naman nitong accomplishment ni Sapitula at masaya ang mga pulis sa PRO 1 at ang naiwan lang na malungkot ay si Art, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kapag nabasa ni GMA ang ginawa ni Sapitula sa PRO1 baka magbago ang ihip ng hangin at balewalain na lang ang hinanakit ni Art. Tumpak!

Kung sabagay, si Art ay kinampihan ni La Union 2nd District Rep. Sandra Eriguel sa pagpapirma sa mga mayor ng white paper nila. Masasabi kong may hinanakit si Eriguel kay Sapitula dahil sa pagpaslang sa asawa n’yang si dating Rep. Euframio Eriguel, na kasama sa drug watchlist ni President Digong subalit mariing pinabulaanan ng pamilya niya. Get’s n’yo mga kosa? Teka nga pala! Ang tanong lang, sino si Art? Abangan!

ROMULO SAPITULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with