Signs of maturity
Mas pinipili mong matulog ng maaga kaysa mag-Saturday night out.
Sa opisina, mas nakakaligaya sa iyo ang umidlip kapag lunch break kaysa makipagtsismisan.
Mas madalas kang magpasensiya kaysa makipagtalo o pumatol sa mga parinig ng kapitbahay o kaopisinang maldita. Aksaya lang ng energy ang nonsense fight.
Tinatanggap mo nang malugod ang kabiguan sa pag-ibig. Meaning, nang hindi ka na nagluluka-lukahan kapag nakipaghiwalay sa iyo ang karelasyon. Natutulog ka na lang ngayon para payapain ang sarili. Noon magwawalwal ka hanggang sa mangudngod ang mukha sa sahig dahil sa kalasingan.
Ang iyong kaligayahan ay hindi na nanggagaling sa ibang tao kundi sa iyong payapang kalooban.
Iba na ang taste mo sa pagkain. Mas simple ang luto, mas nasasarapan ka.
Tumigil ka na sa pagiging mapanghusga sa kapwa.
Hindi ka na nangungutang dahil sinimplehan mo ang iyong lifestyle. Mga simpleng bagay na lang ang ikinaliligaya mo.
Naging komportable ka na sa iyong hitsura. Lumalabas ka sa bahay na naka-lipstick lang. Dati, kuntodo make-up kahit mamimili lang sa grocery.
Mas mahal mo na ngayon ang iyong sarili. Dati mas inuuna mo pa ang ibang tao kahit isakripisyo mo ang iyong kaligayahan. Kung noon ay mabait kang tanga; ngayon mabait pa rin pero ismart na. Alam mo na kung kailan at kanino ipagkakaloob ang iyong kabaitan.
- Latest