^

Punto Mo

Manganganak na minister ng new zealand, itinakbo ang sarili sa ospital sakay ng bisikleta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISINUGOD ng isang manganganak nang minister ng New Zealand ang kanyang sarili sa ospital.

Mas nakakabilib pa ang ginawa ni New Zealand Minister for Women Julie Anne Genter dahil itinakbo niya ang sarili papuntang ospital sa pamamagitan ng pagbibisikleta.

Pinili raw niya ang pagbibisikleta dahil wala raw siyang mahanap na sasakyang magdadala sa kanya sa ospital.

Nasa isang kilometro rin ang binisikleta ni Genter bago niya marating ang Auckland City Hospital.

Ayon naman sa 42-buwang buntis na si Genter ay nakatulong ang pagbibisikleta sa pagpapabuti sa kanyang pakiramdam bago niya simulan ang proseso ng panganganak.

Matapos manganak ay inaasahang magbabakasyon si Genter ng tatlong buwan para sa kanyang maternity leave.

Marami naman ang nakapansin na akmang-akma ang nangyari kay Genter dahil bukod sa pagiging minister para sa mga kababaihan ay assistant minister din siya para sa transportasyon.

BISIKLETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with