Kung ano ang itinanim…
BUONG P500 ang iniabot ko sa cashier. Ang nabili ko ay worth P250. Ang isinukli sa akin ay P750. Sobra ng P500 ang sukli. Ang akala ng cashier ay buong P1,000 ang aking ibinigay sa kanya. Isinauli ko ang sobrang sukli. Sus, maluha-luha ang cashier. After one week ay binayaran ako ng aking kapitbahay ng P500 niyang utang. Isang taon na niyang utang iyon na akala ko ay hindi na niya babayaran.
Noong June ay nagdiwang ng kaarawan ang aking kakilala sa abroad kung saan siya naninirahan. Lahat ng kaibigan niya ay cash ang iniregalo sa kanya. Ganoon daw ang uso roon. After one week, nabalitaan ng aking kakilala na namatay ang kapatid niyang nasa Pilipinas na hirap ang buhay. Ang namatay na kapatid ay masama ang inuugali sa aking kakilala. Ang kakilala kong ito ay walang hanapbuhay sa abroad. Sustentado lang siya ng kanyang anak. Ipinadala ng aking kakilala ang lahat ng perang natanggap niya noong kanyang birthday. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkamatay ng kapatid, naaprubahan na ang monthly pension ng aking kakilala. Pensiyonada na siya ngayon sa bansang kinaroroonan niya.
Kulang ng P200 ang ibinayad ng kostumer sa aking kapatid na may tindahan ng motorcycle spareparts. “Napalusutan” ang termino ng mga magtatraysikel sa kanilang lugar. Hahabulin sana ng aking kapatid sa tambayan ng mga tricycle drivers pero ilang araw na hindi pumasada. Isang araw, nabalitaan ng aking kapatid na kaya raw pala hindi pumapasada nang ilang araw ang nandayang kostumer ay nabangga ang traysikel nito at ipinanare-repair. Gastos daw sa repair ay P5,000.
- Latest