^

Punto Mo

Mga artista sa Hollywood na suplado sa mga extra

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang Komedyanteng si Steve Martin

Komedyante pero suplado at hindi nakikpag-usap sa mga extra na kasama niya sa shooting. Napaka-funny niya sa pelikula pero napaka-pribado sa tunay na buhay. Pero ang nakapagtataka, pagkatapos ng shooting, lahat ng extra ay nakakatanggap ng souvenirs at card mula kay Steve Martin  kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

‘This certifies that you have had a personal encounter with me and that you found me warm, polite, intelligent, and funny.’”

Tom Selleck

Hindi siya namamansin o nakikipag-usap sa mga extra ngunit may isang pangyayari na kailangan niyang kausapin ang extra para ito talakan na mali ang ginawa nito sa kanya. Ang eksena ay tututukan ng extra si Tom Selleck ng baril. Toy gun ang laging ginagamit sa shooting pero ang ginamit ng lalaki ay tunay na baril na walang nakakargang bala.

Mark Wahlberg

Kapag ang isang extra ay gustong mapasama sa isang pelikula, ang ibinibigay nila ay headshot at resume. Ang headshot ay dapat na pinakamagandang picture nila dahil dito sisipatin ng casting director kung anong maliit na role ang puwedeng ibigay sa kanila. Nagkataong kasama ang extra na ito sa pelikula ni Mark Wahlberg. Naisip ng extra na mas mainam magbigay ng headshot kay Wahlberg para isama siyang muli sa susunod nitong pelikula. Ipinabigay niya ang headshot sa personal assistant ng actor. Ang resulta tinanggal ang  extra sa pelikula dahil atribido daw ito.

Ang extra ay naging bida sa Hollywood. Ibinigay niyang muli ang same headshot na ipinabigay niya noon kay Mark Wahlberg pero naging sanhi ng pagligwak sa kanya sa pelikula. This time may mensahe siya sa likod ng picture:

“No worries, Mark. Sending you good vibrations. Love, Chris Pratt.”

STEVE MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with